Hindi talaga ako ganun kasigurado kaya inalam ko muna kung gusto ko ba talaga siya. Unang una anim na taon ang agwat namin. Twenty three ako at seventeen siya. Hindi ideal yun, lalong lalo na maraming mag-iisip na baka manipulation ang gagawin ko sa batang batang si Fatima. Pangalawa, baka isipin na rebound ang lahat, tulad ng ginawa ko sa bestfriend ko noon. Pangatlo, trauma na din siguro, paano kung history repeats itself, bata siya so may possibility na ipagpalit ako sa iba. Pang-apat, assuming akong gusto niya ako porket inientertain niya ang mga text ko. Pang lima, medyo boyish si Fatima at bigla niya akong tawanan na teka di tayo talo. Pang anim, masaktan ko lang siya dahil di naman ako ganun kasigurado at worst pang pito, ang una ikalawa ikatlo ikaapat ikalima at ikaanim na mga bagay bagay na gumugulo sa isipan ko ay sabay sabay na mangyari.
Di pa ako 100% sure so kailangan kong maging sigurado para walang hassle.
Maganda si Fatima, matangkad, medyo boyish, napaka-misteryosa, may sense at higit sa lahat weird kausap perfect… Gusto ko talaga ang mga taong weird para makipagsabayan sakin. Marami siyang tanong sa mga aliens, sa God, sa mga tanong na what is life? May after life ba? Totoo ba sinasabi ni Dan Brown, conspiracy sa national at international government at kung anu ano pang mga katanungan na tulad kong abnormal lang ang ideal na makausap.
Di pa ako 100% sure so kailangan kong maging sigurado para walang hassle.
Gusto ko ng sabihin sa kanya na gustong gusto ko siya. Pero paano kung tanungin niya ako kung bakit? Sapat na ba na sabihin kung dahil ang weird niya kausap? Dahil kaya niya akong sabayan?
Komunikasyon…
Sagrado ang pakikipag usap para sakin. Importante sa isang relasyon ang pakikipag kwentuhan. Kapag tumanda na kasi ang magka-partner mawawala na ang sexual desire nila sa isa’t isa. Ang mga hormones na mag iinduce ng sexual desire ay unti unting maglalaho sa sirkulasyon ng katawan. Some considered this as a curse dahil tinuturing nila ang nabanggit na isang pangangailangan ngunit sa kabilang banda may ilang tao na tinuturing itong paglaya sa halimaw sa loob ng katawan. Mas mahalaga ang pakikipag-usap dahil ito ang nawawala sa pagdaan ng panahon.
Gusto ko ba talaga siya. Affection ba ito o dahil sa isa akong malungkot na nilalang.
Minsan gumagawa ng paraan ang tao para maibsan ang kalungkutan niya. Naturally we are all social animals, evolutionary perspective, hundreds thousand years ago noong wala pang facebook, twitter, at mga social networking sites na old school tulad ng friendster at multiply socially motivated na tayo. We cannot live alone, mabuhay ng mag-isa ay hindi parte ng ating genetic material. If we live as solitary species malamang we can’t survive sa hostile environment sa panahong kailangan pa nating tagain sa ulo ang mga hayop na mas malaki pa satin bilang pagkain. We survive kasi we hold our hands together, we work cooperatively noong unang panahon pa man.
Kalungkutan nga ba ang naging motibasyon para masabi kong gusto ko siya? Instinct ba talaga nagtutulak sakin o higit sa inaakala ko. Love na ba ito?
Love…
Kada minuto may ilang libong relasyon ang nabubuo, at libo din ang nasisira. Patunay na walang kasiguraduhan ang lahat. Kadalasan nagwawakas ang lahat dahil sa paghahanap ng iba, walang oras, problemang di masolusyunan tulad ng pera, mga disappointments at marami pang mga problemang nag ugat lamang sa dalawa. Respeto at tiwala.
Ang pag-ibig ay hindi positibong enerhiya, lalong hindi ito negatibo. Isa itong neutral na kapag hindi nagamit ng tama at kinontrol ay sasabog nalang bigla. Maraming enerhiya sa mundo na we already harness tulad ng solar, gravity, water, at pati ang enerhiya na kayang lumupig ng sanlibutan, ang nuclear. We already split atoms more than half a century ago, we succeded to bombard atoms para marealease ang anti-matter almost a decade ago pero ang enerhiya na kung tawagin ay love ay tila di pa natin perpekto. Prior to our existence, may ilang libong digmaan na tayong nilikha. Civilization rise then fall. Maraming bayani ang nagbuwis ng buhay, mas marami ang mga walang pangalan na namatay dahil sa mga walang saysay o may saysay man na digmaan dahil sa maling paggamit ng enerhiyang ito.
Alam kong gusto ko na si Fatima pero ano bang pumipigil sakin.
Tinatawag natin ang ating sarili na pinakamalakas, matalino at complex species sa mundo. We look down sa mga lower animals. Tinuturing natin silang lower species dahil nga tayo ay may mind at sila ay may anatomically brain lang. Sabe natin we have the will, we are great species. We already conquer the globe na wala ng tinitirang likas na yaman sa iba. Halos 80% ng resources ay napupunta sa atin pero maging tayo ay nag aagawan at nag aaway dito. Gumawa din tayo ng sarili nating standard na may malakas na lahi at may mahinang lahi. Ang masama pa nagdudulot ito ng galit sa isa’t isa na nagreresulta ng walang tigil na ikot ng madugong kasaysayan na walang pagmamahalan.
Di ko yata siya gusto, mahal ko na yata siya.
Marami sa atin ang natatakot magpadala sa enerhiyang ito dahil sa kawalan ng tiwala sa isa’t isa. Bagamat marami ang nagnanais na makamit at maramdaman ang nasabing enerhiya, pinipigilan sila ng kanilang sariling bangungot. Paano kung ang lahat ng ito ay isa lamang palabas? Paano kung sa bandang huli ako lang ang talo? Paano kung magtiwala ako pero sa bandang huli sasaksakin niya din ako sa likod? Maraming mga tanong ang nagiging sagabal para magamit natin ng tama ang pinakamakapangyarihang enerhiya sa mundo. Maraming kasunduan ang nabubuo pero nawawasak lamang ito ng kaunting pagdududa. Bilyong nilalang ang isinilang sa mundo na wala namang hinangad kung hindi kapayapaan pero dahil sa mga nasabing katatakutan nauwi na lamang ang lahat sa isang pangarap.
Mahal ko si Fatima at hindi malayong mamahalin ko pa siya ng sobra.
Duda tayo sa pinapakita ng mga nagmamahal satin. Mas duda tayo sa mga taong di pa natin kilala ng lubusan. Takot tayong sumugal, samantalang di natin naiisip na ang buhay ay isang malaking sugal. Maraming beses na tayong natalo at ang halaga ng nawala sa atin ay higit sa yamang pisikal na ibinibigay ng daigdig. Nawala na ang respeto at tiwala natin sa isa’t isa kaya naglikha ito ng madilim na ulap sa ating mga sarili.
Pero paano ko nasabing mahal ko na siya…
Gawaing Bahay:
1. Maglista ng limang taong pinagkakatiwalaan mo maliban sa iyong magulang at kamag anak. Goodluck sayo kung maka-lima ka…
a. _________________
b.__________________
c.__________________
d.__________________
e.__________________
BINABASA MO ANG
Transcend
Romancea tagalog english novel about a man searching for himself... for love that transcends through time