Chapter 6 Child

39 1 1
                                    

Sa dinami daming nakasalamuha kong nilalang, iilan lang talaga ang matatawag kong mabuting tao. Yung iba kasi self proclaim lang na mabuti sila. Present lagi sa pagsamba pero di sinasabuhay ang kanilang inaanibang relihiyon, tapos meron pa kung mangaral daig ang pastor o pari ngunit walang habas na ikinukumpara ang sarili sa iba. May kakaunting tao naman na sobrang bait ay takot makagawa ng kasalanan. Hindi sila mabuting tao talagang mabait lang sila.
Kung ako ang tatanungin ang pagiging mabuting tao ay isang trait na beyond explanation. Di ito masusukat sa complete attendance sa pagsisimba, o kaya naman sa dami ng kaibigan. Ang pagiging mabuting tao ay ang kakayahang makapagdesisyon ng tama at tumanggap na nagkamali siya at itama ang kamaliang ginawa. Hindi ko tinutukoy ang sarili ko na mabuting tao, hindi ako ang tinutukoy sa nasabing pahayag.
Sa iilang tao na nakasalumuha ko, si Fatima na ang isa dito. Sa pagkakataong ito, ipapakita ko ang pagiging mabuting tao niya sa eksaktong timeline ng pagkukwento ko. Marami pa siyang nagawang mabuti pero dahil hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ito lahat.
Mukhang mabait si Fatima. No doubt about it. The calmness of her face ay parang dagat sa panahong maganda ang panahon. Mukhang malalim na tao at I never get wrong dun. Sa mga tanong na ibinabato niya, alam ko sa pagkatao niya palang marami ka pang malalaman if you go deeper. She's everything that a man would really want. Simple pero very complicated, may pagka insensitive pero very compassionate especially to her friends, mysterious pero very sweet. Sa madaling salita bipolar... joke.
She's a very complicated girl...
---
Ordinaryong gabi na iilan lamang ang makikitang bituin sa langit. Tahimik ang kadiliman at tanging mga mahihinang sitsit lamang ng mga kuliglig ang maririnig.
Walang masyadong bumibili sa tindahan kaya I have a lot of time to think kung aamin na ba ako o I go back to the drawing board para masiguradong gusto ko ba talaga siya. Sa totoo lang, nahirapan akong pag-isipan ang lahat. She's almost perfect... and I'm imperfect. I still have a lot of issues and concerns sa pagkatao ko. Ayaw ko namang maulit ang mga nangyari noon. Walang masamang lumingon sa nakaraan dahil ito ang magsisilbing benchmark sa lahat kaya I try to assess kung ready na ako.
What went wrong ba sa relationship namin so para hindi na maulit ang lahat?
Hindi mabubuo ang hypothesis kung walang notepad at lapis.
Ok check...
Dapat may sombrero din para mas kapanipaniwala.
Sumbrerong suot... check...
I need eyeglasses para madagdagan IQ ko at makapag-isip ng maayos...
Ok eyeglasses... additional IQ.. Check
What really went wrong?
Evaluating the past is an exhaustive mental process. Tutuyuin ang katas ng utak mo hanggang mabiyak ito tulad ng lupa tuwing El nino. Lilingon sa noon, kaya mayroon ding high emotions na kailangang harapin. Hihimay himayin ang bawat karanasan, mga masasaya, malulungkot, nakakainis, nakakapagsisi, at mga emosyong nag uumapaw sa dami. Game na...
Unang tanong... sino ba ako noong kami pa ni ex...
Its actually wrong timing, noong nagkakilala kami ni ex ay during my dark age of my life. Dark Age sa puntong nakakatatlong taon na akong nakahinto sa pag-aaral. Walang work at walang worth. Napakababa ng tingin ko sa sarili at puno ng insecurities, disappointments, sama na natin ang kamalasan, negatibo ang tingin sa buhay. Siya nga lang yata ang positibong mayroon ako.
Di ako makapaniwala na nagkagusto siya sa akin, I'm pathetic! Sinisi ko na ang lahat ng tao kahit mga inaniminate object pinagbintangan ko na. Tatlong taon akong walang pangarap, tatlong taong walang direksyon ang buhay. Sa mahabang panahong ito, wala akong ginawa maganda at tama, dumating siya at iniligtas niya ako kahit alam kong hindi niya alam na sinagip niya ako.
Dahan dahan akong nangarap kasama siya. Nag umpisa akong tingnan ang sarili bilang guro ulit. Nagsimulang tuparin ang nakalimutang propesyon at ngayon bumabalik sa eskwela. Bagamat may yabang ay di pa din tuluyang nawala ang kawalan ng tiwala sa sarili at mga insecurities.
Maganda siya. Sa tuwing naglalakad nga kami, lagi siyang napapansin. Marami akong katatakutan, mga pagdududa hindi lang sa kanya kundi sakin. Tamang hinala at mga walang saysay na pagtatalo, mga walang kwentang pagseselos. Unti unting lumalayo ang loob niya hanggang dumating ang araw nagising nalang ako na ayaw na niya. Sabe niya kasalanan niya lahat pero sinisisi niya din ako kung sana nagtiwala lang ako... Sinabi ko noon kawalan ako sa kanya pero sa tuwing iniisip ano nga ba ang naibigay ko? Maraming lalaki ang kayang gawin ang ginawa ko. Kaya ng mga taong bigyan siya ng oras tulad ng ibinigay ko sa kanya. Kayang kaya ng ibang tao na pakinggan siya sa tuwing may problema at kayang kaya din ng balikat nito na maging unan sa tuwing siya ay pagod na.
In time of absence, there is always an opportunist that will take your place. Ganyan ang batas ng kalikasan. Walang empty space laging may mag fifill in nito. In my part ako ang nawalan at patuloy na mawawalan in the future kapag walang nagbago. I have lost again at ayaw ko ng maulit ito.
Natatakot ako sa mga bangungot na nilikha niya. Paano kung maulit ang dati?
Ipinangako kung hindi na mangyayari ang nakaraan lalo na't di ko na palalagpasin ang pagkakataong ito. Nagsisimula ko ng binubuo ang pangarap na sinira niya, at sinira ko. Game na ulit... Kailangan maging matapang na handang suungin ang kagustuhang masabi ang dapat sabihin. Wala na akong pagpipilian pa, alam kong gustong gusto ko siya. Di ko na palalagpasin ang pagkakataong ito.
Bakit si Fatima?
Dahil ba ibang iba siya kay ex?
Isa at kalahating dekada ang nakakaraan may isang bata na sumasagot sa slumbook. Feel na feel niya ang pagsagot na di niya nagawa sa mga exams sa eskwela. Masyadong pinag iisipan lahat ang mga salitang gagamitin. Kung mabibigyang pagkakataong magkagusto ang batang ito sa opposite sex gugustuhin niya ang taong makakaintindi sa kanya. Yun lang naman talaga ang nakalagay sa describe your crush? Ang taong kayang umintindi at tingnan ka hindi lamang ang mga bagay na positibo sayo. Hindi lamang ang pisikal na kagandahan ang naisip ng batang ito bagamat package deal yun pero mas binigyang pansin niya ang pagkatao. Simpleng pagtanggap... marami kang tao na makakasalubong sa daan, makikipag apir at makakabiruan, makakaaway, panandaliang at pang matagalang mamahalin, makakabwisitan at makakalaro sa ikot ng magulong laro ng buhay. Pero iilan lang dito ang makakatanggap sayo ng buo... Hindi ka pagtatawanan at huhusgahan.. iilan lang yan kaya siguro naisip ng batang ito na isulat ito sa slumbook at hindi lamang ang isang pang uri na MAGANDA.
Sa pagdaan ng panahon, tumanda na ang bata at dumating ang oras na nakalimutan niya na ang wisdom na ito. Buti nalang ipinaalala ni Fatima sa bata na mayroon pang taong makakaintindi sa kanya...
Kung makikipag usap ang batang ito sakin siguradong pinagmamalaki niya ako ngayon. Naka-big grin at sinasabing ito na siya... dumating na siya... wag mo palagpasin sige ka...
"Wag kang matakot, noong ako palang ay ikaw pinangarap mo na ang babaeng ito..."
"...palalagpasin mo pa ba ang pagkakataon..."

TranscendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon