FFS - Three

836 45 0
                                    

Three

James Cortins

"Ella, stop it." sabi ko dito. Pilit parin nitong pinupulupot ang braso nito sa akin. "Ella, I said stop it!" sabi ko. Natigilan muna siya bago ito umalis. Tumingin lang ako sa kanya at umiling.

She told me to come here. I was in so much rush because I thought something happened... but there's none. I clenched my fist. Nagyaya pa naman sila Dave sa bar.

Don't get me wrong. I'm not an alcoholic person. Pero something in that bar wants me to be there on a regular basis. I don't know if it's because of the atmosphere, or because of something else.

"Alam mo, kung wala ka rin lang namang mahalagang sasabihin, don't bother me. I'm a busy person, pwede mo naman tawagin ang ibang kaibigan mo." sabi ko dito. Tumingin siya sa akin na tila nagulat siya.

"I'll leave." sabi ko na lamang. Hindi pa man ako nakakalabas ay pinigilan niya na ako.

"Iiwan mo 'ko?" tanong nito. Tumitig ako sa kanya. Ano nanaman ba?

"Ella, you know what, I'm a busy person. I'm more busy than what you are. Akala ko kung anong nangyari kaya ako nagmadali, but seeing you like this makes me mad. Hindi ka ganyan, bakit ba bigla kang nagiging ganito?" tanong ko. Tumitig siya na tila may gustong sabihin ngunit pinipigilan niya ang sarili niya.

Binitawan niya ang braso ko bago ito tumango. Tinignan ko lang siya bago ko nilisan ang lugar. Hinilot ko ang sentido ko bago ako pumunta sa tapat ng elevator.

Stupid, James.

Paniguradong nabigla si Ella sa ginawa ko. I have so much in mind kaya ko siguro nasabi 'yun. Sana naman maintindihan niya, hindi ko gustong magalit.

Nagdrive ako papunta sa bar. I want my mind to be clear for the moment. Nang makapark ako, napatitig ako sa bar. I'm crazy... paniguradong wala na dito ang mga kaibigan ko. For sure, they went out already.

I took one last glance at the place. I opened the door and immediately went in. Ista-start ko na sana 'yung makina nang mapatitig ako sa rear view mirror. Kakadaan lang ni Secret. Sumandal ako at tumingin sa side mirror, tumigil ito nang makita si Dave.

Kelan pa siya doon? Hindi ko man lang napansin.

Humigpit ang hawak ko sa manibela. Nakita ko kung paano sila nag-usap, kung paano sinama ni Dave si Secret. Tss. I shook my head. Lumabas na lang muli ako. Tinitigan ko ang kotse ni Dave na umalis.

Aish!

Pumasok na lang ako sa bar at nagpakalasing. Not really that drunk, I won't be able to drive if that happens. Nagulat nalang ako nang may tumabi sa akin. Tinitigan ko siyang kunot noo.

"Hi, ako si Michelle. Kaibigan ako ni Secret." sabi niya. Tunog palang ng boses niya alam ko na. Hindi ako sumagot at umiwas nalang ng tingin.

"'Wag mo sanang isipin that I'm trying to hit on you. I'm not." sabi niya. Tumingin ako saglit sa kanya bago tumango.

"So what's the reason for talking to me," sabi ko. "It's not that you won't be here seating if you won't say a thing."

"Well... may gusto lang akong ipaalam. Maybe a fact." sabi nito. Tumitig ako muli sa kanya. He got me curious. "Tungkol kay Secret." dagdag niya.

"What about her?" tanong ko.

"It's not her, it's about him." sabi nito, natigilan ako. May kung anong kuryente ang nagpahinto nang ginagawa ko.

"You're saying him?" tumango ito sa tanong ko. "H-He's gay?"

"Oo." kampanteng sagot nito. "Hindi halata no?"

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon