FFS - Thirteen

681 44 9
                                    

Thirteen

Stain

"Secret, nandyan na ang sundo mo!" sigaw ni Clarabel, bagong empleyado sa boutique. Nakangiting tumango ako sa kanya nang ipaalam niya iyon.

Nandyan na daw 'yung sundo kong pogi. Napangiti ako bago kinuha ang bag ko at sinukbit iyon sa balikat ko. Nakangiting lumabas ako nang boutique at naglakad papalapit sa kanya.

"Hi, pogi!" bati ko sa kanya. Tinitigan niya ako nang may ngiti rin sa labi.

"Yes?" tila sakay niyang sagot sa akin. Lumapit ako at pinulupot ang braso ko sa balikat niya.

"You seem lonely tonight, may kasama ka ba?" tanong ko habang lumilinga-linga pa sa paligid.

"Well, I actually, I need someone's company tonight." tinaas baba pa nito ang kilay niya sa akin.

"Talaga?"

"Yeah, but someone's waiting for me. Kailangan niyang pumasok sa trabaho niya at ihahatid ko pa siya. I'm waiting for her actually."

"At sino naman siya? Girlfriend mo?"

"She's Secret, hindi ko siya girlfriend." nakangiting sabi niya.

"Hindi mo girlfriend pero parang driver ka? Is she beautiful?"

"Well, I don't care, really. Yes, she's beautiful. Pero paulit-ulit niyang sinasabing bading siya. He's gay, actually, you shouldn't use She." natatawang sabi ni James sa akin. Ngumuso ako at binitawan siya.

"He's gay naman pala e. Why bother doing this and that?"

"Ewan ko. Basta gusto ko 'to." pinagkrus niya ang braso niya habang nakatingin lang sa akin. Tumitingin lamang ako at nilabas ang phone ko.

"Can I get your number? Maybe we can hang out sometime."

"Sure." nilagay nito ang number niya sa telepono ko. Nakangiting tinawagan ko ang numero niya. "Oh wait, Secret's calling. Excuse me." sabi niya bago mabilis na sinagot ang tawag.

"How long are we gonna do this?"

"Well, ayoko na. Tara na, ihatid mo na ako sa bar." sabi ko bago pinatay ang tawag. Lumapit ako sa kanya at sinenyasan siyang umusod para makasakay na ako.

Umiling siya sa akin habang may ngiti sa labi. "Sabi mo sa akin hindi ka papasok sa bar."

Tumitig ako sa kanya bago bumuga nang hininga. "Sa bahay mo 'ko ihatid. Okay na?" tanong ko. Umiling parin ito. "E, ano?" inis kong sabi.

"Kakain muna tayo, 'di ba?" sabi niya. "Napag-usapan na natin 'yon noong isang araw pa."

"Then let's go." sabi ko. Hinila ko ang handle ng pinto kaya napalayo siya doon. "Gusto ko sa Mang Inasal, 'yung manok na may unli rice ah. Bibili mo rin ako ng kalahating galon na Ice Cream, gusto ko Pistachio and Cashew."

Natigilan ito sa sinabi ko. "Naglilihi ka?" natatawang sabi nito.

"I'm not! Nagugutom lang ako at hinahanap ng dila ko ang lasa nang manok ng Mang Inasal! I want Ice Cream to, para naman lumamig ang ulo ko!" mabilis akong sumakay at pabagsak na sinara ang pinto.

Dumiretso kami sa pinakamalapit na Mang Inasal. Nakakuha kami nang upuang pandalawahan. Tinignan niya ang menu sa taas bago hinilot ang kanyang baba. Hindi pa siguro 'to nakakakain rito.

"Ako na oorder?" presinta ko. Umiling ito pero tumayo na ako. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Pera." nakangiti kong sabi. Tumitig siya sa akin.

"Ano kakainin mo? 'Yun nalang rin ang akin." sabi niya. Inabot niya ang pera sa akin bago ako ngumiti. Pumila ako at umorder rin. Habang naghihintay kami, panay ang tingin niya sa paligid.

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon