FFS - Thirty Five

730 37 1
                                    

Last Chapter, everyone! Maraming-maraming salamat sa pagsuporta sa story na 'to. May epilogue pa kaya chill lang kayo.

Thirty Five

Para Sa 'kin

"Nakakairita na 'yang kakangiti mo." puna ni Mich sa akin.

Umiling nalang ako at masayang tinitigan ang aking daliri. Ang saya saya. Alam n'yo ba 'yung feeling na ang sarap sarap sa pakiramdam tuwing nakikita ko 'yung singsing sa daliri ko.

Ramdam ko 'yung feeling na... may nagmamay-ari sa akin. Like myself is not just for me alone. Hindi ko maexplain mabuti pero nakakafulfill. Parang siksik na siksik ng kung ano ang puso ko.

"Whatever!" iritadong sabi ni Mich. "Bilisan mo na't magsukat ka na nang gown! Nakakaimbyerna ka, hindi ka na nahiya sa mga tao rito. Paimportante kang bruha ka!"

Tumawa nalang ako at umiling. Mabilis akong lumapit sa gowns. Naghanap ako nang gusto kong style at saka nagsukat ng is roon. Nakangiti kong tinitigan ang gown ko bago ko pinakita kay Mich.

"Maganda ba?" umikot ako sa harap niya. Nakatitig lamang ito. Tumalikod at at sumulyap sa kanya na nasa likod, nakaupo sa couch at nakatitig sa akin.

"Maganda... Magandang ako nalang ang magsuot nyan!" sigaw niya at pumalakpak. Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin at inikutan pa ako.

"Pak na pak, dear! Like ko 'to!" turo niya sa suot ko.

Tumalikod na ako pagtapos at nagbihis. Sinabi ko sa mananahi ang gusto kong disenyo nang gown. I want it simple yet elegant. Ayoko nang masyadong agaw pansin, pero gusto kong maganda tignan at sakto lamang sa mata nang lahat.

Nakipag-usap kami sa wedding planner. Tinanong niya ang motif na gusto ko. Ang bulaklak na pipiliin ko. Ang number of guests to be invited and a whole bunch of more.

Hindi ko kasama si James dahil may ginagawa siya sa kompanya, but he promised to there at the fitting. Kaya 'yun, halos puro mga kaibigan ko ang kasama ko lalo na si Mich.

Maraming preparations, sobra. Balak kasi ni James na this January kami magpakasal. Sabi niya kasi na kaka-anniversary lang namin, ayaw niyang masama sa araw ng kasal iyon. He want it a separate month.

January 29 kami magpapakasal. We still have two to three weeks though. Halos rush na nga ang mga ginagawang preparations. Sila papa at mama kasi pinapagod si James sa kakatrabaho.

"Beh?" tawag ko kay James nang sagutin nito ang tawag ko.

"Yes?" he answered.

"Busy ka pa?" tanong ko. Tapos na kasi kami ni Mich sa kakausap sa planner, ayos narin ang lahat kaya kung titignan, wala na kaming gagawin ngayong araw na 'to.

I badly want to see him ang be with him.

"Konti nalang na proposals ang narito and I'm done. Is there a problem?"

Umiling ako kahit 'di naman niya ako nakikita. Nakangiti akong naglakad papunta sa kotse ko, iniwan na kasi ako ni Mich bago pa man ako makatawag kay James.

"I miss you," malambing kong sabi. Sumakay na ako sa kotse at nagsimulang magdrive. "Pupuntahan kita diyan ha."

"Are you driving?" medyo tumaas ng konti ang boses nito. "If yes, then end the call now, hindi ka magdadrive ng may phone. Delikado 'yun, Nadine." he lectured.

Tumawa lang ako bago nagsalita. "Opo, opo. Pupunta na ako diyan, antayin mo 'ko. Love you po." nakangiti kong tinitigan ang sarili ko sa rear view mirror.

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon