FFS - Twenty Four

854 46 4
                                    

FFS is at rank #273! Hindi ako makapaniwala!

Twenty Four

Birthday

Nagising ako kinabukasan ng dahil sa maingay na tunog ng telepono ko. Kay aga aga may nanggagambala sa akin! Mabilis kong hinablot iyon at sinagot ang tawag ng walang tingin.

"Hello?" inaantok kong saad.

"Hey, wake up. Let's tour around."

Dinilat ko ang mata ko bago umirap. Umayos ako nang higa bago kinusot ko ang mata ko.

"Inaantok pa ako, James. Ikaw nalang mag-isa." ungot ko.

"Malapit nang magtanghali, hindi ka pa nag-aalmusal. Just get up, will you?"

Sinilip ko ang orasan ng telepono ko. 11:03 am. Ang sarap na nang tulog ko e. Buburahin ko na talaga ang numero ng lalaking 'to mula sa phonebook ko!

"Inaantok pa 'ko!" niyakap ko pa ang unan ko bago pinikit ang mata ko kahit nasa tenga ko ang telepono ko.

"Halata nga." sabi niya. Narinig kong naputol ang tawag kaya napamulat ako. Nanlaki ang mata ko nang nasa loob na siya nang kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko. Sheez. Nakapantulog ako! Mabilis kon niyakao ang kumot ko para maibalot sa katawan ko. Naiirita ako!

"Ayaw mong bumangon e." nakangiting sabi niya. Sumandal siya sa kabinet na nasa tabi niya bago pinagkrus ang braso niya. "You still have the same wake up look."

Pinamulahan ako nang pisngi. Umirap ako para itago ang nararamdaman ko.

"Lumayas ka nga! Mag-aayos na ako!" sigaw ko. Ngumiti lang siya bago tumango-tango. Tumalikod na siya at lumabas. Huminga ako nang malalim bago nagmadaling maligo at mag-ayos.

Lumabas ako na naka-sun dress. Nasa sandalyas lang ako at may suot na sumbrero sa ulo. Sinuot ko rin ang sunglasses ko at inipit ang tinuyo kong buhok sa isang bun.

Tinitigan ko ang reaksyon niya sa suot ko. Ngumiti lang siya bago naunang maglakad. Umiling ako umirap. Naiirita na agad ako sa simpleng presensya nang lalaking 'to.

Makakain lang talaga ako, iiwanan ko 'to mag-isa.

Pinakain niya ako. Oo, pinakain. Hindi ako nagbayad dahil siya ang nag-take charge. Hindi na ako umapila dahil inaakit ako nang mga sun lounger na nasa labas.

"Salamat sa pagkain. Pero gusto ko munang mapag-isa." sabi ko. Mabilis akong lumayo sa kanya para lumapit sa sun lounger. Nahiga ako doon.

Pinabuksan ko ang malaking payong, I'm not in my swim suit. Hindi ako pwedeng mag sun bathing. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang hangin. Medyo malamig ngunit ramdam ko ang init na dala nang araw.

Nakakarinig ako nang halakhak ng mga bata. Mga malalakas na pag-uusap ng kung sino. Ang paghampas ng alon sa tubig. At ang mga ibon sa paligid.

"You can relax later on. Why don't we tour around? Maraming pwedeng gawin dito." narinig kong bulong ng kung sino.

I clenched my fist. "Kelan mo ba ako titigilan?" iritado kong tanong. Parang ilang minuto nalang ay mapuputol ang kung anong ugat sa ulo ko.

"You can't relax at this time of the day. Why don't you just drain you energy. Mamayang gabi ka magrelax, sa kwarto mo, pwede din naman dito. Paniguradong hindi ganito kainit, kaingay, mamaya."

He got me there. Tama nga naman siya. Dinilat ko ang mata ko bago umayos ng upo. Tinitigan ko siya na nakaluhod sa buhangin at nakatingin sa akin.

"Siguraduhin mo lang na maganda 'to gagawin natin." sabi ko. Lumaki ang ngiti nito sa labi bago tumayo. Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon