FFS - Fifteen

722 37 6
                                    

Fixed na ang mga chapter nito, hanggang Chapter Thirty. We're at the half of it. Too long? Well, my soon updates may become short. Nakakatamad kasing basahin pag sobrang haba pero nawawala ang excitement, I , too, get bored. For the sake the hindi tayo pare-parehong mabored, I need to keep the fire burning up to the said chapter. ❤️
Enjoy!

Fifteen

Girlfriend or Boyfriend?

"Ayaw bumitaw ah." biro ko dahil kanina niya pa nilalaro ang kamay ko.

"Gusto mo naman, ayaw mo ba?" tanong niya, ngumuso lang ako at hindi ko na siya pinansin.

Hindi ko alam kung paano ko ieexplain. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kami na ba o hindi. Parehas kami nang nararamdaman pero wala akong kaalam-alam sa kung anong kami ngayon.

"May trabaho pa ako." sabi ko. Ngumuso siya sa akin. "Hinahanap ako sa labas. Buti nga't pinayagan ka dito e, dapat hindi." sabi ko sa kanya.

"Mamaya ka na lumabas, mapapagod ka lang doon."

"Makikita tayo ni Mich dito, ano ka ba." sabi ko. "Baka ano isipin nun." dagdag ko. Tumayo siya at siya na mismo ang humila sa akin palabas ng kwartong para sa aming empleyado.

"Then I'll just watch you from there. Kasama ko sila Levy, I'll have my eyes on you." nakangiting sabi niya. Tinutok niya ang dalawang daliri niya sa mata niya bago tinuro sa akin. "I'm watching you."

"Sira!" hinampas ko ang braso nito. "Doon ka na nga, shu!" sabi ko. Natatawang umalis siya at nakihalobilo sa kanyang mga kaibigan. Nakangiti akong kumuha nang notepad at papel.

Tonight's a busy night. It's been less than one week since that incident. Pinatunayan sa akin ni James na wala nga siyang pakialam sa iisipin ng iba. Pinakilala rin niya ako sa mga kaibigan niya which made my heart flutter.

Ang haba nang hair ko, noh? Gusto nga akong sabunutan ni Mich sa sobrang haba nito. Hindi ko sinabi sa kanya ang napagusapan namin ni James noong wala pa sila ni Mama. Sinekreto ko iyon dahil hindi ko pa naman alam kung ano ba talaga kami.

Alam kong totoo ang lahat ng ito. Sinong lalaki naman ang tatanggapin sa sarili niyang isa siyang bading dahil lamang sa nagkakagusto siya sa isang tulad ko?

Kung alam lang ni James. Hindi naman talaga siya nababading. I'm a woman after all. Babaeng-babae ako, and all of these is just all part of my act. Alam n'yo naman lahat ang dahilan ko sa paggawa nang ganito, 'di ba?

I want to get away. Get away from my parents, my family, and to what I am in my family. Ayoko nang ganoong sistema. I wanted to live simple. Pero hindi iyon binigay ng magulang ko.

Oo na't hindi ako grateful sa lahat ng meron kami. Masisisi n'yo ba ako? I wanted attention, I wanted to be love, pero pinagkait iyon ng magulang ko.

Naging busy ako sa bar at hindi ko na napansin ang oras. Nag-aayos ako nang mga baso sa isang table. Wala nang mga customer dahil sarado na, kami kami nalang mga empleyado ang nandito para maglinis.

Naramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko. Naramdaman kong pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Napangiti ako nang dahil doon. I immediately inhaled his scent.

"May ginagawa pa ako. Wag kang ganyan, maraming nakatingin sa'tin." sabi ko. Hindi ko siya pinaalis, ginusto ko rin naman 'to.

"I don't care. Uwi na tayo."

"Marami pa akong aayusin." sabi ko. Humarap ako sa kanya kaya naputol ang yakap niya sa akin, tinitigan ko siya sa mata.

"Mauna ka na kung gusto mo, I'll just message you when I get home."

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon