FFS - Twelve

660 36 0
                                    

This symbol "-" means change of POVs. I'm too lazy to even write who's POV is the next. Hope you understand ;)

Twelve

Crazy

Napailing ako. Hindi James, hindi! Falling agad? Hindi ba pwede naguguluhan lang? Umiling-iling ako para mawala sa isip ko iyon. This is insane. I must be insane.

"Good Morning, sir." bati sa akin ng mga empleyado pagpasok ko. Hindi ko nalang sina sinagot at nagdire-diretso na sa opisina ko.

Buong maghapon, inabala ko ang sarili ko sa mga paperworks. Sunod sunod rin ang meeting maging ang ilang signings. Gabi na nang mapansin ko ang telepono ko. Napatitig ako doon nang makita ang isang mensahe mula kay Secret.

Secret: 6:30 pm

Anong oras mo ako susunduin?

Natigilan ako at napatitig sa orasan ko. Damn, it's 8 freaking o'clock! Bakit ba nawala sa isip kong sinabi ko palang ihahatid ko siya?

Mabilis akong tumayo at iniwan ang mga paperworks sa table. I can do that first thing in the morning tomorrow, I have no time for that tonight. Mabilis kong nilisan ang kompanya at pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay niya.

I eyed their house and noticed it was empty. All lights were off. Hindi ko kita ang ilaw sa ikalawang palapag kaya ramdam kong walang tao.

F'ck, James, you seriously think he's still here? Look at the damn watch and think! Kung ako ang nasa posisyon niya, I'll seriously leave you. You liar!

Napailing ako nang tila parang kinausap ko ang sarili ko. Tipong may isa pang James na nagsasabi nang mga bagay na iyan. Mahigpit ang kapit ko sa manibela, nahihirapan akong huminga dahil lumalabas sa isip ko ang malungkot niyang itsura.

Napabunga ako nang hininga nang maisipan kong magrelax muna. Natatakot akong baka dahil dito, manahimik nanaman siya tuwing kasama ako. Baka hindi nanaman si Secret na masiyahin ang makita ko. Hinampas ko ang manibela sa inis na naramdaman, mariin kong pinikit ang mata ko.

Why do I always have to ruin things? F'ck this!

-

Matapos kong itext nun si James, napagdesisyonan ko nang wag nalang pumasok. Tinamad na rin ako, nagtext na lamang ako sa boss ko na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Nakakatuwa lang na hinayaan niya akong lumiban.

Ilang minuto akong nag-intay sa reply nito. Hanggang sa naging oras na at alam ko sa sarili kong hindi na ito sasagot. Hindi ko na inabalang sabihin sa kanyang hindi na ako papasok, paniguradong abala ito at baka maabala ko lamang siya.

Maaga akong kumain at naglinis, bago ata magalas-otso ng gabi, nakahiga na ako sa kama ngunit dilat na dilat parin. I want to use this time to sleep longer, alam kong kulang rin naman ako sa tulog na kinakailangan ng katawan ko.

I was staring at my window when I heard a familiar sound, tunog ng makina ng kotse, at alam ko sa sarili ko kung kaninong kotse iyon. Nahigit ang hininga ko nang pumasok sa isip ko si James.

Natandaan niya bang susunduin niya ako? Kahit late na ay parang may kung anong sumaya sa akin. Pumunta parin siya.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga bago mabilis na bumaba. Maingat kong binuksan ang pinto. Lumabas ako at binuksan ang gate. Napatitig ako sa kotse niyang nakatigil lang sa tapat. Napangiti ako.

Namatay ang makina nang kotse niya. Lumayo ako nang kaonti sa pinto at nakangiting inabangan siyang lumabas. Mabilis siyang nakalabas at mabilis rin ang lahat na nayakap niya ako.

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon