FFS - Two

1.2K 44 6
                                    

My stories are not really that good to enter wattys. I badly want to try joining... huli na ata ako. Maybe next time...

Two

Bading

"Nakakainis 'yung driver na 'yun. Bulag ba siya? Aish!" inis kong sabi sa sarili ko habang naliligo ako. Nakakadiri. Hindi na nga ako bumalik sa bar dahil sa nangyari. Umuwi na agad ako at pinauwi ko nalang kay Mich ang gamit ko.

"Anak, bilisan ang pagligo. Malamig ang tubig. Gabi na." narinig ko ang katok ni Mama sa pinto nang banyo.

"Opo, Ma. Sandali lang po." sabi ko. Agad ako nag-anlaw bago nagpunas. Lumabas ako at ngumiti kay Mama.

"Nasaan si Mich?" tanong nito.

"Nandoon pa po sa bar. Nauna na po ako kasi nabasa po ako." sabi ko. Piniga ko ang buhok ko bago ako tumingin kay Mama. "Titext ko po na umuwi na, labasan na din naman po namin."

"Saan ka ba galing?" tanong ni Mama.

"Kela Jonas po." sabi ko. Tumitig ito sa akin at umiling.

"Naku, naku. Nadine ah!" banta nito.

"Ma!" sabi ko. "Kung ano-ano iniisip ninyo." naningkit ang mata ko habang umiiling. "Wala ba kayong tiwala sa akin?" sabi ko. Ganyan kasi si Mama, pagtinawag niya ako sa totoo kong pangalan, ibig sabihin lang niyan seryoso na siya.

"May tiwala ako sa'yo," turo niya sa akin habang nandidilat ang mata. "Pero sa kaibigan mong si Jonas, wala! Paano nalang kung malaman niyang babae ka? Sa tingin mo ba hahayaan ka niya? Hindi!"

"Ma, mabait si Jonas. Hindi naman niya siguro gagawin 'yun. Kaibigan niya ako, bakla ako sa paningin niya kaya walang problema. Bakit sa tingin ninyo'y may gagawin siyang masama."

"Nadine naman. Hindi lahat ng tao, mabait hanggang huli. Wag mo naman sanang isarado ang isip mo sa ganoon. Pinapaalalahanan lang kita para alam mo, para maisip mo ang dapat gawin sa mga oras na iyon. Magandang kang babae, anak. Kahit sabihin mong hindi mo man gusto ang tao, kung gusto ka, gagawa't gagawa nang paraan 'yan para makuha ka." malungkot na sabi ni Mama.

Hinimas ko ang balikat ni Mama habang tumitingin ako sa mata niya.

"Salamat, Ma. Thankful akong ikaw ang tinuturing kong Mama. Nagpapasalamat ako na ikaw ang Mama ni Michelle. Napakabait mo, Ma, alam kong nag-aalala kayo. Pero wag ninyo sanang istressin ang sarili ninyo sa kakaisip sa akin. Kaya ko po ang sarili ko, kung hindi man hihingi naman ako nang tulong kay Mich, hindi naman purket pusong mamon 'yon ay hindi iyon marunogn lumaban." sabi ko.

"Sa lahat naman ng pwede mong sabihing hihingan mo nang tulong, bakit kay Michelle pa? Baka nga mauna iyong makatulog pagsinuntok ng lalaki 'yun." biro ni Mama. Humalakhak kaming dalawa.

"Ma, naman." sabi ko. Umiling lamang siya.

"Naku, magboyfriend ka na nga. Talo ka pa ni Mich."

"Ma!" pigil ko sa kanya. Tumawa ito habang hinihimas ang braso ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Ay, kabayong hubad!" napalingon kami sa sumigaw. Si Mich dumating na. "Fishtea ka, Nadine! Magbihis ka nga! Hindi ka si Eba, stop showing your body." diring-diring sabi nito. Nagkatinginan kami ni Mama, I smiled wickedly.

"Michael Krus Lovlin... Halika rito." I made my voic sound seducing. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nito. Nanlaki ang mata niya na parang nakakita nang multo. Nabitawan nito ang gamit niya at mabilis na tumakbo palayo sa akin.

"Mama! Pigilan ninyo si Nadine! Baka matanggal ang towelet, my virgin eyes." sigaw nito habang umiiling-iling, takot na takot ang mukha nito. Lalo lang akong natuwa. Haha!

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon