FFS - Twenty Nine

884 45 16
                                    

Because I'm so happy today, I feel like updating 😂. You know I'm a kpoper, hindi ako nakapunta noong JaDine in Love concert dahil malayo at wala akong pera, pero ngayon makakatungtong ako sa Araneta! Iimaginin ko nalang ang JaDine sa gitna habang hindi nagpeperform ang EXO 😂

Twenty Nine

Court Me

Nagmulat ako nang mata. Tumitig ako sa kwartong nakita ko. I smiled sweetly. I hugged the pillows tightly.

"Purket kaamoy ko, yakap mo na nang mahigpit?" narinig kong sabi niya. Tumawa ako at napailing. Nakaidlip pala ako.

"Napagod kasi ako kakalinis ng unit ng lalaking hindi naglilinis. Ang bango nang mga unan mo, pwede bang iuwi ko 'to?" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"I wasn't able to clean it because of my busy schedule."

"Oo na, oo na." sabi ko bago bumangon nang kaonti. Inabot ko ang kamay niya at hinila siya sa kama. Nakangiting umiling siya sa akin habang malawak na nakangiti.

Nakatalikod ako sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at ipinulupot ito sa bewang ko. Napangiti ako at muling napapikit nang yakapin niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang labi niya sa likod ng ulo ko.

I love this kind of hug. Mainit ang yakap na iyon at binibigyan ako nang komportableng lugar. It feels like my heart melts just by the thought of his hands wrapped around my waist.

"I love you." narinig kong bulong niya. Umungol lang ako para magmukhang tulog na ako kahit hindi naman talaga. Nakangiti akong pumikit.

Hindi ko na namalayan at hinila na ako nang antok.

Nagising ako na wala na akong katabi. Sinilip ko ang labas at nakitang madilim na. Dali-dali akong tumayo at sinilip ang orasan sa telepono ko.

Malapit nang mag alas otso, papagalitan ako ni Mama nito! Dali-dali akong pumasok ng banyo, naghilamos at nag-ayos ako. Nagpalit ako nang damit at mabilis na lumabas ng kwarto ni James.

Nakita ko siyang nasa sala, may kausap ito sa telepono kaya hindi ko muna siyang tinawag. Lumapit ako sa kitchen counter at sinilip ang platong may lamang pagkain. Napangiti ako nang makita ko iyon.

Lumapit ako sa lamesa at naghanda nang mga pinggan at kubyertos. Inayos ko na ang mga iyon bago naupo sa upuan. Inantay kong makaupo sa tapat si James bago kami nagsimulang kumain.

"May problema ba?" tanong ko. Ngumiti siya at umiling.

"Mga hindi lang nacheck na proposals, pinadala ko na kay Rick dito."

Nagpatuloy kami sa pagkain at hindi ko na pinansin iyon. Hinatid niya ako pauwi at hindi nagpakita kay Mama at Papa.

Para kaming mga teenager na nasa isang sikretong relasyon. Tipong bawat pagkikita namin, patago. Iyong paglalabas kami para kumain. Minsan pag ihahatid niya ako sa bahay mga ilang block ang layo sa amin. Inaantay naman niya akong makapasok bago siya umalis.

"Ma'am Nadine."

"Ay, kabayo!" gulat kong sabi. Napahawak ako sa dibdib ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Lila, matamis itong nakatingin sa akin at binigyan ko lang siya nang pilit na ngiti.

Pasimple akong sumilip sa kotse ni James na ngayo'y papalayo na nang bahay. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi naman siguro nakakahalata ang lahat ng 'to.

"May boyfriend po ba kayo?" tanong nito. Natigilan ako. N-Nakita niya ba kami?

"M-May alam ka ba?"

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon