Dyms' POV
"Get the hell out of here!" Sigaw ni Whitney sa mga studyanteng nakatingin samin na nasa labas ng gate. Actually kaming dalawa lang ni Fritz ang andito sa Obertia, patunay na isa kaming dakilang richkids charot. Actually kahit ang labas ng Obertia ay maganda. May mga bleachers at damuhan parin, marami ring puno para sa mga walang planong mag-ambag ng malaki dito sa school chos kaya no wonder kung bakit maspinipili ng ibang students na tumambay sa labas kesa makipagplastikan sakin chos ulit!
Natigil ako sa pagmomonologue nang biglang nagpakawala ng isang atungal este sigaw si Whitney.
"I said get lost! Leave us Alone!" Sigaw nya ulit na akala mo ay pagmamay-ari nya tung school sa sobrang pagkademanding nya.
Agad naman silang nagsialisan including manong guard na mukhang natakot sa awra ni Whitney huhu same here manong guard, same here.
Huminga muna ako nang malalim bago tumayo kahit nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang kaba.
You need to be strong Dyms. No, you must be strong!
Napalunok ako nang muntik nakong mapaupo dahil sa sobrang panginginig ko dala ng sobrang kaba, mabuti na lang at nasalo ako ni Fritz at inalalayan ako nito para makatayo ulit.
"Huy Dyms, umayos ka, di to ang time para manghina ka. You are a fighter, remember?" Pagmomotivate sakin ng subconscious ko kaya kahit mahirap ay pinilit kong labanan ang takot at pigilin ang panginginig ko.
"Dyms relax ka lang okay? I'm here for you, no matter what happened kaya wag kang panghiaan ng loob" bulong nito na sinundan ng joke nyang "--eh ano kung ika'y nalulungkot, may sasalo--" bago paman matapos ni Fritz ang kanta ay binigyan ko na sya ng isang bored look na parang nagsasabing "sige push mo yan kahit ang panget pakinggan ng boses mo punyeta ka" na ginantihan nya lang ng ngiti na parang nagsasabing "Ayan, yan ang Dyms na kailangan ko ngayon" dahilan para mapangiti ako.
"Are you done losers?" Biglang epal ni Lyra dahilan para mapawi ang ngiti ko at nagsimulang magrambulan ang organs ko lalo na nang dahandahang binuksan ng like duhh girls ang gate at saka rumampa papasok ng Obertia.
May gahd cassie, di ba sila nainform o nagbasa man lang ng students manual na bawal dito ang makipag-away at lalonglalo na ang mga walang ambag?!!
"Hoy ikaw flirt! ano bang kailangan mo at dumayo pa kayo rito? Bumalik nga kayo sa lungga nyo, pinapakalat nyo ang kapestehan nyo dito eh" Maangas na sabi ni Fritz habang kay Whitney nakatingin. Nakita ko naman kung pano sumibol ang isang inis sa mukha ni Whitney at ni Lyra.
Huhuhu Fritz stop this war, may paraan pa para matapos toh na hindi ka naiexpel like patayin natin sila chos I'm matured enough kaya, remember?
At dahil hindi ako bitch at aaminin kong medyo naduduwag ako, wala akong naisip na gawin bukod sa magtago sa likod ni Fritz na parang batang inagawan ng crush chos. Pero seryoso, natatakot akong mapahamak si Fritz nang dahil sakin. Ayaw kong magkaround2 pa pagkatapos ng nangyari sa cr huhu di pa nga ako nakamove-on tungkol dun dadagdagan pa nila? Bakit ba nila toh ginagawa? Sila na nga ang may atraso sila pa ang may lakas na loob para sumulong sakin. Wala ba silang konsensya o natitirang kahit kaunting awa man lang para sakin? Ayaw ko ng away pero bakit nila hinahanap sakin. Wala akong planong patulan sila dahil alam kong wala akong kaya. Walangwala ako compared sa kanila.
"Me? Huh? Bitch? Are you referring to me weirdo? Am I look like a flirt to you?" Inis na tanong ni Whitney habang ang isang kamay ay nasa bewang at ang isa naman ay nakaturo sa sarili. Maslalo tuloy akong nainsecure nang makita ang hulma ng pagkakatawan nya. No wonder kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya, pero bat pati si James?huhu
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE CAMPUS KINGS #WATTYS2020
Romance"You can like many people as many as you want, but your heart will only beat for one deserving man" Im Dyms Williams.. Just a typical student.. Matalino, i wear eyeglasses, loose clothes, straight but not that fixed hair, red but cracked lips, white...