CLAIRE
Halos na kaming magkachat ni Brandon. Minsan nga, video call pa eh. We've decided to be friends for now while we're working on our acads.
Today is the first day of my class. And now, I am officially a freshman of Starlight University. Ang university na kilala sa isa nilang contest. 'The King & Queen of populars'. Hindi ko alam kung anong trip ng principal but i'm not against it. In fact, natuwa pa nga ako kasi, parang nakaka-challenge eh.
Ganito 'yan, mayroong popular in dancing, popular in singing, popular in acting, mvp, popular cheerleader, popular mean girls, popular good guys, popular delinquents, popular in beauty, popular in intelligence at popular nerds.
Teka — mayroon ba nun? Basta ako, gagawin ko ang lahat para maging popular at manguna sa lahat ng bagay. I just love challenges, you know that?
New school, new friends, new rivals but definitely still NO to love.
Gaya ng dati, with poise akong naglakad. Aba siyempre I have to give them good impression, hindi ba? Ayoko madumihan ang image ko sa school na 'to. Palingat-lingat ako ng tingin.
Hindi ko mapigilan na hindi mag-obserba. Maganda ang kapaligiran ng eskwelahan. malinis at maayos. Malaki din 'yung building ng school.
Ang hindi ko lang gusto sa university na 'to ay hindi nila sinisita yung mga girls na napaka-revealing magsuot ng damit. Sana, nagpa-uniform na lang sila para naman kahit papano, magmukhang disente sila, hindi ba? Nag-iling iling na lang ako.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang hallway at dun, naglakad ulit ako habang hinahahanap 'yung office.
Kung bakit kasi napaka-laki ng eskwelahan na 'to eh. Siguraduhin Lang nila na matino ang magtuturo dito ah?
Habang naglalakad ako, may nakita akong nagkakagulo sa daraanan ko. Hindi ko ugali ang makiisyoso kaya nga nagtaka ako sa sarili ko sa ginawa ko eh.
Nagpunta ako dun sa kaguluhan at tinanong kung anong nangyayari. Walang sumasagot basta ang naririnig ko lang na sinasabi nila ay yung "Popular Mean girl" ...ewan.
Sumiksik ako at nagulat ako sa nakita ko. May binu-bully siya. Sinasaktan niya 'yung babae tapos 'yung mga nanonood, hindi man lang siya tinulungan.
Naiiyak na 'yung babaeng nasa sahig. Tch. Bakit ayaw niyang lumaban?
Lalapitan na sana 'nung mean girl 'yung babaeng nasa sahig pero agad akong nagpunta ako sa may harap niya at hinarangan siya. At laking gulat ko nang makita ang babae na pinigilan ko.
First day na first day, si bad luck agad ang dumikit sa akin. 'Nung nakarecover na kaming dalawa, she folded her arms and raised an eyebrow.
"My, my what a small world. Akalain mo 'yun? Dito din pala mag-aaral ang babaeng 'to," Panimula niya.
Penelope.
What a small world. Ang buong akala ko, wala siyang plano na pumasok sa Starlight University. Change of heart?
"Bitawan mo siya," sabi ko ng mariin at seryoso.
"Paano kung ayaw ko?" sagot niya.
Aba talaga naman, sinusubukan ako ng babaeng 'to. Iniiwasan kong masama sa gulo sa eskwelehan na 'to lalong lalo na ngayong first day, hindi maganda sa image ko.
Tapos sasali pa ako sa contest, right? I wanted fame, not a bad reputation, come on! Pero gusto ko kasing tulungan si girl, mas importante 'tong kalagayan niya. Ano ba kasing problema nitong si Penelope? Nakaka-damay eh.
BINABASA MO ANG
Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)
Teen Fiction"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...