Kabanata 08: Claire's Guilt & Brandon's Regret

186 9 2
                                    

KABANATA VIII
CLAIRE'S GUILT & BRANDON'S REGRET

˗ˏˋ ♡ ˎˊ˗

CLAIRE

NAGSIMULA na akong nakaramdam ng sobrang lamig nang sinimulan na naming tahakin ang kabundukan ng Baguio. I'm glad that we didn't travel at night time kasi masyadong delekado. Bangin eh tapos madilim pa. Kinuha ko ang makapal na jacket at isinuot ko ito. Nilingon ko si bessy at nakita ko nakasimangot pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ginawa ko. Napabuntong hininga ako.

Dahil sa ginawa ko kanina, imbes na maging masaya ang trip na 'to, naging malungkot. Bessy has been ignoring me since earlier. Fault ko din naman kaya siya naiinis sa akin at hindi ako pinapansin. Even that loser wasn't talking to me nor looking. Not like I care. Si bessy lang ang pakielam ko. I hate it when bessy acts like this. 'Yung hindi niya ako pinapansin. Nasasaktan ako eh.

Hinawakan ko ang balikat ni bessy and slightly shook her. "Bessy, are you still mad?" I asked the obvious. As expected, she completely ignored me. Ngumiwi lang siya pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata and again, I heave another deep sigh. I leaned my back on my seat and gazed outside the window. This trip is supposed to be fun but what's happening now? Nakakainis lang. Mabuti pa 'yung mga iba kong kaklase, masasaya. Ako din naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito si bessy.

I've already decided to end what Carl and I have and then the next, I... I... ugh, I'm so stupid! Maybe the loser was right. I really am a f*ck girl.

Nang nagsimula naming daanan ang zigzag road, I started to feel a bit dizzy. Kung bakit pa kasi zigzag ang daanan eh. Hiluhin pa naman ako but of course, I won't show it to my classmates. Nanahimik na lang ako at ipinikit ang aking mga mata, trying to avoid to vomit because I swear, sobrang nahihilo at nasusuka na ako.

Suddenly, I caught the scent of a dalandan. I slowly opened my eyes just to see a dalandan just below my nose. It was bessy. "Amuyin mo 'yang dalandan para kahit papaano eh mabawasan ang pagkahilo mo." sabi niya pagkatapos ay ngumiti sa akin. I seriously love this girl! I'm glad that we are besties. Napaka-swerte ko talaga sa kanya. Kahit na galit siya sa akin, nag-alala pa rin siya sa akin dahil nga nahihilo ako.

Tinanggap ko 'yung dalandan at patuloy itong inamoy. "Thanks, bes," pagpapasalamat ko. Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni bessy at hindi na nagsalita pa. Isinandal ko ang ulo ko sa kanya at ipinikit ang aking mga mata pagkatapos ay maya maya na lamang, nakatulog na ako.

***

MGA 6PM na nang nakarating kami sa lugar na tutuluyan namin. We will be staying in a rest house and not in some fancy hotel in Baguio. Ayos lang naman sa akin dahil medyo malaki ang rest house at kasya kaming lahat. Maganda ang ambiance niya at maganda ang tanawin. Masarap pa ang simoy ng hangin at malamig. Good thing I brought a thick and warm jacket with me. Nagdala nga din ako ng scarf to make sure na hindi ako lalamigin. You see, ginawin ako kaya kailangan ko talaga ng makapal na jacket at scarf.

Since gabi na kami nakarating at pagod na ang lahat, we have decided to stay and take a rest na lang muna then we'll be going on a tour tomorrow at Burnham park. Sana lang ay makalimutan nila na magpunta sa Laperal White house but knowing Joy, who's obsessed with horror stuffs, hindi niya makakalimutan 'yun. But sabi nga nila, hindi ba? Face your fears dahil walang mangyayari kung matatakot ka.

Medyo nahihilo pa din ako kahit nasa labas na kami ng bus. Inaalalayan ako ni bessy habang naglalakad papunta sa loob ng rest house samantalang si Carl at si loser naman ay ang nagbuhat ng mga bagahe namin. Kahit na nasa likod namin yung dalawang lalaki at hindi sila nakikita, I can still feel the tension surrounding around them.

Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon