“Claire! What happened to you?!” Carl reacted, completely worried as he rushed by my side.
“I'm fine, Carl. I just sprained my ankle. It'll get better. Kailangan ko lang magpahinga,” sagot ko. “Bakit nandito ka sa area na 'to?”
Carl is a rich kid who lives in a huge subdivision and he disliked going to dirty places where you can find so many street vendors. Sa aming dalawa, mas maarte siya. Kaya nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya sa lugar na 'to.
“Napadaan lang,” simpleng sagot niya bago siya tumingin kay loser. “Thank you for taking care of Claire but let me take over.”
Kukunin na sana ako ni Carl nang biglang humakbang paaatras si loser.
“Salamat sa initiative, pero kaya kong alagaan si Claire,” sagot niya. “Mas maigi pa na umuwi at magpahinga ka nalang sa inyo.”
Nagpalitan ng seryoso at masamang tingin ang dalawang lalaki. It made me feel like I'm the female lead in a fictional love story where two men are fighting over a lady. Except, the only one who likes me is Carl, not the loser.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaking ito pero hindi ko din alam kung bakit sila nagkakaalitan. May history kaya sila na hindi maganda kaya gan'to ang trato nila sa isa't-isa?
“Ikaw ang kailangan na umuwi,” sagot ni Carl. “I can take care of Claire myself, alright? And at least ako, kilala na ni Claire. I can't entrust her to a man who she barely even talked to.”
I felt the loser hold me tighter. It felt warm.
“No, hindi ko ipagkakatiwala si Claire sa iba,” sagot ni loser. “Just go. Kaya ko siyang alagaan.”
Ano ba'ng trip nitong si loser at nakikipag away siya kay Carl? Baka nakakalimutan niya kung sino ang binabangga niya.
Carl is the most powerful student at Evergreen Heights High. He's richer than me. His parents donate money at our school every month so when Carl wants to kick out someone, the principal will do it, or else, hindi na makakatanggap ang Evergreen Heights High ng donation.
Like last year, there's this guy who kept bugging me. Carl was displeased and when he told our principal that he'd like to kick out the guy, our principal did it.
Simula noon, wala ng bumangga kay Carl na kahit na sino. You know, for some people, it's all about money — but not me. I can't be bought with money.
Hindi ko gusto si loser at naiinis pa din ako kasi dahil sa kanya, nalaglag ang isang kuwek-kuwek ko — petty, I know.
Pero kahit na ganon, I don't want him to get kicked out because of me so I calmed them down.
“Good grief, ang sakit sakit na ng buto ng paa ko, mag-aaway pa kayo?!” Halos pasigaw kong sabi. Napatingin silang dalawa sa'kin. “Tama na away. Ako ang masusunod dito,” tumingin ako kay Carl at sinimulan siyang mandohan. “Carl, contact my chauffeur. Alam kong may number ka ng sundo ko. Sabihin mo na pick-upin sa address ni loser,” tumingin naman ako kay loser. “At ikaw, ibigay mo kay Carl ang address mo. Doon na muna ako maghihintay para ligtas.”
“Yes ma'am.”
Sabay nilang sagot saka nagkatinginan.
Nagpunta kaning tatlo sa apartment ni loser. Siya pa din ang nabubuhay sa'kin samantalang si Carl, naglalakad lang sa tabi ko.
Pagpasok ko sa apartment niya, nilibot ko ang paningin ko. Simple lang ang apartment niya pero sobrang linis at organized.
Ibinaba ako ni loser sa kanilang sofa at inilatag ang binti ko doon. Kumuha si loser ng ice bag pang cold compress habang kino-kontak ni Carl ang sundo ko.
Sa sobrang pagod ko at sakit ng paa ko, nagsimula akong makaramdam ng antok. Humikab ako at maya-maya ay nakapikit na ang mga mata ko.
***
Thanks to my sprained ankle, hindi ako nakapasok ng tatlong araw. I hate to say this but I'm lucky that the loser and Carl were there three days ago to help me out. I just don't get why they kept arguing. Tingin ko, may history ang dalawang iyon na walang nakakaalam.
Anyway, bahala sila. As long as they won't involve me with their issues, I don't care.
Lost in thoughts, biglang sumulpot si Brandon Orland, the loser, sa usual table namin ni bessy — ang table sa cafeteria sa school.
As soon as I saw him, I raised a brow at him at hindi nagsalita. Si bessy lang ang nakipagusap sa kanya.
“Oh, hey Brandon! Andito ka na pala,” sabi ni bessy with all smiles. “Tara, upo ka dito.” Umurong si bessy to give him a space to sit. I was sitting across him pero never ko siyang tinignan.
Nang naramdaman ko na tinitignan niya ako, I looked up and threw him a very sharp glare. “What?”
“Ang sungit mo naman,” sabi niya. “Ngayon nga lang ako nakisama sa inyo eh,” dagdag pa niya. “Akala ko, magiging soft ka na kasi inalagaan kita three days ago.”
My face flushed at his words. “It just happened na nandoon ka so stop flattering yourself, loser.”
Humawak siya sa kanyang dibdib at umarte na nasaktan at nalungkot. “Ouch. 'Yan ba ang kapalit ng pagtulong ko sa'yo?”
“I never asked you to, didn't I?” Sabi ko. “Saka, kahit sino naman, tutulong eh.”
Mukhang nagulat pa si bessy sa mga narinig at nalaman niya. Her wide eyes and mouth said it all.
“So, niligtas ka ni Brandon?” Sabi ni bessy na ngiting-ngiti. “Sayang, wala ako doon para mapanood ang moment ninyong dalawa.”
“Oo, sa may kwek-kwekan. Nakita ko siyang kumakain doon na parang aso na gutom na gutom,” sabi niya. “Tapos sa sobrang lampa, ayun nadapa. Or baka dahil nahiya siya dahil nakita ko siyang kumakain na parang aso.” Pang-aasar pa niya.
The nerve of this guy! Ano bang problema nito?
“Excuse me?! Did you just compare me to a freaking dog?!” I growled at him.
“Yes.”
Okay, keep your cool Claire. We must handle this situation calmly like a normal and mature human being. Iniba ko ang topic.
“Bakit ka ba nakikishare dito sa table namin? Why don't you go and sit somewhere else? Table namin ni bessy 'to!” Sabi ko.
“'Wag ka ngang ganyan. He's my childhood friend, remember? So I invited him over.” Sabi ni bessy.
“Eh bakit ngayon lang?”
“Sino ang may sabi na ngayon ko lang siya inimbitahan? Ilang beses ko na siya inimbitahan pero palagi siyang tumatanggi,” tumingin siya kay loser saka siya naman ang kinausap. “Bakit nga ba?”
Nagtataka ako kung bakit biglang ang friendly niya kahapon pa samantalang dati, hindi niya ako kinakausap.
“Honestly, gusto kong makilala si Claire ng lubusan at tingin ko, wala namang masama 'don, 'di ba?”
“Don't Claire me, hindi tayo close for the first-name basis,” I said sharply. “Kaya ka lang nakikipag usap sa'kin ay dahil napagalaman mong I can be a simple girl din. Ganun ba 'yon?”
“Maybe? Gusto lang naman kitang maging kaibigan at sa tingin ko, kailangan mo din ng isa pang kaibigan bukod kay Jessica. Nagiging comfortzone mo na siya, hindi mo ba nakikita?”
I didn't buy his words and let him believe I bought it. He's a guy so he must have a motive for suddenly trying to be close to me.
“Such a weird loser.” Sabi ko.
“Claire, tama siya. Hindi ka pwedeng masanay sa'kin. Paano na kung pupunta na ako sa Canada?”
“Magkakaroon naman ako ng kaibigan sa Starlight University once I got in.”
“Kahit na ayaw mo akong maging kaibigan, I'll make you a friend of mine.” Sabi ni loser and I could see the fire on his eyes.
“Kung kaya mo.” Paghamon ko sa kanya as I folded my arms together.
“Watch me.”
***
BINABASA MO ANG
Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)
Novela Juvenil"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...