Kabanata 19: Brandon's Jealousy

106 4 22
                                    

BRANDON

Nakakamiss si Claire. Kamusta na kaya siya? Matagal-tagal din pala kaming hindi nakakapag-usap. Medyo nakakailang kasi na makipag-usap dahil sa issue namin nila Carl at Claire tapos mas nakakailang dahil sa mga sinabi ni Claire sa airport. Hindi ko alam kung paano magsisimula na makipag-usap muli sa kanya, but I ended up reaching out to her, anyway.

Siguro, sikat na sikat yun ngayon. Nako! 'Yun pa. Lahat, gagawin nun para maging sikat. Today is my lucky day. Wala kasi sa aming pinagawa kaya naisipan kong mag-online. Nag-online ako both facebook and Skype.

Inuna ko yung skype pero wala pa si Claire. Kaya naman, nag-Facebook na lang ako at naisipan kong maglibot-libot sa profile ni Claire. Gusto kong makita yung mukha niya eh. Gusto ko din makita yung mga pictures namin sa Baguio. Naka-upload lahat at naka-compile sa isang folder. 

Wala akong karapatan na magselos kasi wala namang kami, hindi ba? I only confessed then that's it. Hindi niya ako binigyan ng klarong sagot.

'Nung mga panahon na 'yon, she was with Carl. Not really a good timing. Minsan, naiisip kung mawawala ba ang nararamdaman ko para kay Claire o hindi na. Hindi ko malalaman, go with the flow nalang. It's one-sided, anyways.

Binuksan ko ang phone ko para mag-scroll sa Facebook at tinignan ko ang profile niya, pero hindi ko nagustuhan ang tumambad sa akin. Kumunot yung noo ko pagkabasa ko 'nung status 'nung lalaki tungkol kay Claire.

Pero ang pangalan na 'to ay nabanggit na sa akin ni Claire noon. 'Yung nakaaway niya pero okay na daw sila? Pero, bakit parang super okay na sila? 'Yung close na close na talaga? Ano ang ibig niyang sabihin sa pinost niya?

Nash Chaves

Tandaan mo ang deal natin, Claire Saddie Dela Vega. Kapag hindi mo nagawa "Yun", I'm going to make you mine :) good luck! (sana, hindi mo magawa :D buwahahaha!!)

I'm going to make your mine daw? Ang korni niya! Ang bakla ng dating! Sino ba kasi yang Nash na yan sa buhay ni Claire? May bago na siyang best friend? Mukhang super close silang dalawa! At hindi ko gusto yun! Naiinis ako! Sana magawa ni Claire yung sinasabi niya para hindi gawin nung lalaki na yun! At isa pa, hindi siya papatulan ni Claire. Pero teka, ano naman yung pinapagawa sa kanya? Baka kung anong delikado naman yun! 

Lagot sa akin 'yang Nash na yan kapag may mangyaring masama kay Claire! Sobrang dami ang nag-like at comments.  Isang simpleng walang kwentang status, ang daming nag-like at comments? Gusto kong malaman kung ano bang mayroon kay Claire at kay Nash kaya kahit na madami at mahaba, binasa ko yung mga comments. Lalong kumunot noo ako at naasar ako lalo.

Pinag-papartner nila silang dalawa tapos may pa 'ShLaire' 'ShLaire' pa silang nalalaman. Pinipilit nila na bagay silang dalawa at dapat daw maging partner sila sa pagsayaw ng tango sa isang beauty contest. Ano naman kayang contest na yun? Si Claire ang kasali? Nice! Ang galing talaga ng bestfriend ko. Kaya inaadmire ko siya. Anyway, ayun na nga. Sinasabi nila na cute daw silang maging couple. 

Lalo akong nainis nung sinabi nung Nash na yun na 'The More You Hate, The More You Love'. Baka sa susunod, malaman-laman ko na sila na pala! Alam kong magiging selfish ako pero ayoko mapunta si Claire sa iba. 

Nagbuntong hininga ako. Naloko na! Hindi siya mawala sa isip ko. Paano na kapag nagka-boyfriend siya ng wala ako? 

Pero, hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?' Yung Nash na 'yun...may gusto kaya siya kay Claire? 

Tinatanong pa ba yan? Halata naman na may gusto siya kay Claire pero hinding hindi ako makapapayag na makuha niya si Claire.

Tinanong ko si Nash kung sino siya pero puro dots lang sinagot. Sila Jess naman at si Claire, may pinag-uusapan na yung tungkol sa past ni Claire. Ugh, sino kaya naman yung 'past' na yun. 

Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon