That loser wasn't kidding when he said he would tame me and because of what he did, people thought that he was pursuing me for a romantic relationship.
“Ano 'yan?” Tanong ko ng malamig habang nakatingin sa bulaklak na alok niya gamit ang walang ekspresyon na mukha.
“Obviously, bulaklak para sa'yo,” I looked at him. He flashed a toothy grin. “Will you go with me to see a movie this Sunday?”
Narinig ko ang bulong ng mga estudyante na nanonood ng eksena na ginagawa ni Brandon Orland ngayon.
My heart started to pound loudly against my chest but not that kind of heartbeat that you would read in a romance novel. Not the giddy one.
My heart is palpitating due to rage.
He gave me a flower and asked me out to see a movie with him in freaking public so obviously, people will assume that he's courting me. Hindi ko nagustuhan 'yon.
I moved closer, grabbed him by his arm, and glared at him. “Are you out of your mind?”
“What? May ginawa ba akong mali? Gusto ko lang naman na makilala ka ng lubusan.”
“Bakit ba ako ang kinukulit mo? Ang dami mong puwedeng kilalanin diyan oh!”
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. Gosh, bakit kasi kailangan niyang gumawa ng eksena?
“Eh sa ikaw ang gusto ko eh.” Sabi niya ng seryoso.
“Oh come on, halos lahat ng lalaki dito, ako ang gusto,” sabi ko. “Ilang beses ko na narinig 'yan. You must have a different reason.”
Alam ko naman na sinusubukan lang niya ako na amuhin para lang manalo siya sa hamon niya.
Ugh. Boys.
I smiled and accepted the flowers. Napangiti siya matapos kong tanggapin ang bulaklak na bigay niya. Nagsimula akong maglakad papunta sa basurahan at tinapon doon ang bulaklak.
Then when I looked at him, I saw his sad face.
And without another word, I walked away.
Wala akong pakielam kung malungkot siya.
A no is a no.
Saka kung sakali na maging close talaga kami, the inevitable will come sooner or later. He will leave like other people always do. People come and go and change is constant.
Sa ngayon, hindi ko na muna iisipin 'yun. Bata pa ako. I'm only eighteen. Kakabahan ako kapag by 30's ko, wala pa akong boyfriend. Graduating highschool pa lang ako kaya hindi ko kailangang magmadali.
Masyado din akong maraming pangarap at gustong gawin sa buhay para magkaroon ng boyfriend. Pangarap kagaya nalang ng pagpasok ko sa Starlight University.
Desidong-desidido ako na pumasok sa eskwelahan na iyon, kaya kailangan kong galingan dito sa Evergreen Heights High kung gusto kong mapatunayan na karapat-dapat ako na pumasok sa Starlight University.
୨♡୧
Sinugod ako ng bestfriend ko dahil nalaman niya ang pamamahiya na ginawa ko kay loser kanina.
“Hindi mo ba alam na napahiya si Brandon sa lahat ng tao? Dahil sa ginawa mo, pinagtawanan siya ng mga schoolmates at classmates natin! Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang pwedeng maramdaman niya?!”
She's never been furious at me like this. I've already publicly rejected many guys and shamed them; my best friend is one of the witnesses. Hindi na bago 'to kaya bakit siya galit na galit?
BINABASA MO ANG
Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)
Teenfikce"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...