KABANATA XIII
˗ˏˋ ♡ ˎˊ˗
AGAD-AGAD kaming tumakbo papunta sa NAIA. Sabi ni tita Bridgette, 02:30PM ang flight niya and it's 02:00PM kaya naman may 30 minutes pang natitira.
Mabuti nalang at supportive si tita Bridgette kasi ipinahiram niya sa amin ang motorsiklo nila at ang driver nila. Hindi kami mahihirapan na magpunta sa NAIA.
Agad-agad akong sumakay sa motor, sa likuran 'nung driver. Wala ng arte-arte pa. Sinuot ko ang helmet na iniabot sa'kin. Nang napansin ko na hindi pa sumasakay si Jessica sa motor, tinawag ko siya. "Bessy, hop on! May hinahabol pa tayong oras."
"Hindi ako sasama. Hindi na din tayo kasya diyan. Mag-ingat ka lang, okay?" sabi ni bessy ng mahinahon.
I just nodded at her and then wrapped my arms around the driver's waist para hindi ako malaglag habang nasa biyahe.
"Let's go!" I said and with that, the motorcycle started moving.
Sana talaga, maabutan ko pa si Brandon. I still have some things I want to say before he go and leave the country.
***
02:14PM kami nakarating sa NAIA. Sobrang dami ng tao, tapos kailangan pang i-check ang bag. I'm in a rush. Pagtapos na pagtapos i-check ang bag ko, agad akong tumakbo papasok sa loob para hanapin si Brandon.
Inilibot ko ang paningin ko, hoping to find him pero sobrang dami ng tao. Masyadong malabo na mahanap ko siya dito.
I checked the time and it's 02:17PM.
Ilang minuto nalang, flight na niya. I kept running around, bumping to other people para lang mahanap siya. I was starting to feel hopeless. Marami akong gustong sabihin sa kanya — I want to apologize for hurting him, I want to thank him for trying to pursue me, and I want to tell him that I've actually developed special feelings for him. I want to tell him all those things before he leave for the states.
Akala ko, si Jessica lang ang aalis para mag-aral sa abroad, si Brandon din pala. Why didn't he tell me? Was he mad for what I did?
I checked the time — 02:20PM.
Out of desperation, I decided to do what my mind told me. Agad akong nagpunta sa information desk at nagsinungaling.
"Excuse me, miss? Nawawala kasi ang kapatid kong lalaki. Baka puwedeng i-announce ang pangalan ng nawawalang bata." I lied with a sad face, trying to make my act convincing.
Buti nalang at naniwala si ate. "Sige po, ma'am. Ano ang pangalan ng nawawalang bata?"
"Brandon Orland po," sabi ko at tumungo siya. Kinuha niya ang mic para i-announce ang nawawalang bata pero bago pa siya makapagsalita, I snatched the mic away from her and spoke instead.
"Teka – miss!"
I looked at the receptionist with a teary eye and thankfully, it worked. Naawa ata siya sa'kin kaya hinayaan niya na lang ako.
"Brandon Orland, this is Claire Saddie Dela Vega..."
***
BRANDON
NGAYON na ang araw ng flight ko papunta sa states para mag-aral. Baka sa paglayo ko, makalimutan ko na din si Claire, ang babaeng sobrang tagal kong ginusto at ang babae na minamahal ko.
Wala siyang kamalay-malay na matagal ko na siyang pinagmamasdan simula 'nung first year highschool pa at ang mga panahon na sinusubukan siyang ligawan ni Carl.
Dahil nakita ko na hindi niya sinasagot si Carl kahit na sobrang tagal na niyang nanliligaw, nawalan ako ng pag-asa at naisip ko na kung si Carl, na hearthrob ay hindi niya sinasagot, paano pa kaya ang isang nobody na kagaya ko, hindi ba?
Sa huli, sinubukan ko pa din siyang ligawan, simula sa pagiging magkaibigan. Sinubukan ko nga din na pagselosin siya pero maling galaw pala 'yun kasi akala niya, ginagamit ko lang siya.
At bago pa ma-klaro ang misunderstanding na 'yun, sinagot na pala niya si Carl. Napabuntong-hininga nalang ako sa mga naiisip ko.
'Oras na para mag-move on' sabi ko sa isip ko. 'Wala na akong mapapala sa kanya. Bagong buhay sa states, bagong simula.'
02:20PM na, malapit na ang oras ng flight ko kasama ang aking ama. Umalis siya saglit dahil sabi niya, gusto daw muna niyang mag CR.
Habang hinihintay siya, laking gulat ko nang narinig ko ang boses ni Claire sa mikropono.
"Brandon Orland, this is Claire Saddie Dela Vega..." panimula niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makagalaw at ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko.
"You're about to go, and I've got a lot of things I want to tell you. Kaso, hindi kita mahanap dito so I'll just say it here."
Nagbibiro ba siya?! Broadcasted talaga?
"First, I'm sorry for humiliating you sa school back then and I'm sorry for not appreciating your efforts on trying to befriending me," sabi niya. "Pero ngayon, gusto kong sabihin sa'yo na thankful ako sa lahat mga panahong sinubukan mo ako na suyuin. If I could turn back the time and make things right, I would but that's impossible. Kaya naman..."
Narinig ko siyang huminto saglit para huminga at sinabing, "Maghihintay ako sa pagbalik mo para sa susunod, baka puwede pang magkaroon tayong dalawa ng tiyansa."
Napangiti ako sa ginawa niya. Dati, ipinahiya niya ako sa publiko at ngayon naman, sarili naman niya ang ipinahiya sa publiko.
"Ibang klase talaga," sabi ko.
"Anak, handa ka na?" paglingon ko, nakita ko na nakabalik na si dad mula sa washroom. Tumungo-tungo ako at ngumiti.
"Handa na po ako sa panibagong kabanata ng buhay ko," sabi ko.
At kapag okay na ang lahat, babalik ako sa lugar na 'to para maging masaya kasama ni Claire Saddie Dela Vega.
***
BINABASA MO ANG
Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)
Novela Juvenil"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...