NASH
NAGPUNTA ako sa arcade shop para tignan kung nandun na ba ang tropa ko at oo, tama nga ang hinala ko. Andun na sila. Tinext ko ulit 'yung babaeng bungangera na kala mo manok. Sabi ko sa kanya, magkita kami sa arcade shop. Habang hinihintay ko siya, naglaro na muna ako kasama ang tropa ko.
"Hay salamat. Andito ka na din. Ikaw nagyaya, pero ikaw pa ang na-late. Tapos, hindi ka pa nagrereply."
"Paano ako makakapagreply kung wala sa akin ang cellphone ko? Badtrip nga, pare eh."
Ikwinento ko kay Steve at sa iba ko pang kaibigan ang nangyari tapos, tinawanan lang nila ako. Inasar-asar naman nila ako 'nung idinescribe ko 'yung babaeng bungangera — maganda, may hubog ang katawad, sopistikada, mukha siyang angel na nasa lupa dahil malamang sa malamang, hindi tinanggap sa langit dahil sa ugali niyang masungit, mapangbara at sarkastiko.
"Oh, baka magkatuluyan kayo 'nung babae na yun ah?" pang-aasar ni Steve.
"Oo nga. Madaming nangyayaring ganyan." sabi ni Ivan, 'yung isa ko pang ka-tropa.
"Sa libro lang nangyayari ang mga ganyan. Reyalidad 'to mga 'tol!"
Habang naguusap kami, nahagilap ng atensyon ko ang isang babae na nakasuot ng dilaw na crop-top, maong shorts and flip flops. Kung makalakad siya, kala mo ay rumarampa siya sa isang fashion show. Napansin ko din na nakuha niya ang atenyon ng mga tao sa paligid niya, lalo na ang mga lalaki habang naglalakad siya. Palinga-linga siya sa paligid na para bang mayroon siyang hinahanap. Siya 'yung babae na nakabanggaan ko kanina — si manok.
"Speaking of the freakin' devil. Ayan na siya," sabi ko kela Steve tapos tinuro ko siya. Sinundan nila Steve ang direksyon na tinuro ko at nanlaki ang mga mata nila sa gulat matapos makita ang babaeng iyon.
"Chicks," sabi ni Steve.
"Pero goodluck na lang sa iyo. Ihanda mo sarili mo sa katarayan niya." banta ko.
Natigil ang paglingat-lingat niya nang biglang nagtama ang mga mata naming dalawa. Agad siyang naglakad papalapit sa direksyon namin habang binibigyan siya ng daan ng mga tao.
"Ayan na siya, papalapit na siya mga 'pre. Keep it cool." sabi ni Steve habang inaayos ang damit niya. Napabuntong-hininga nalang ako.
Natigil ang paglingat-lingat niya nang biglang nagtama ang mga mata naming dalawa. Agad siyang naglakad papalapit sa direksyon namin habang binibigyan siya ng daan ng mga tao.
"Ayan na siya, papalapit na siya mga 'pre. Keep it cool." sabi ni Steve habang inaayos ang damit niya. Napabuntong-hininga nalang ako. Basta talaga babae, nako!
PAGDATING ni manok, nagpamaywang siya sa harap ko at inilahad niya 'yung kamay niya. Bastos din eh noh? Hindi marunong bumati.
"Wow ha? Hindi marunong bumati?" sabi ko.
"Ugh, so sensitive," sabi niya saka umirap. "Can you please just give me back my phone? I don't wanna waste my time with you." sabi niya tapos ibinigay din niya ang phone ko sa akin.
"Ikaw, ang bastos mo talaga! Wala na nga akong ginagawa sa iyo na hindi maganda eh."
"Well, you were a jerk and I don't like you," sabi niya. "You started this, moron."
"Tsk, tsk, tsk," reaksyon ni Steve. "You were a jerk. That was so uncool, bro. Uncool," sabi niya saka tumingin sa'kin habang umiiling-iling. Ano pinagsasabi ng unggok na 'to? Napatingin si manok sa kanya. Medyo gusto kong matawa dahil medyo kinakabahan 'yung itsura ni Steven, pero nawala ang kaba niya 'nung nginitian siya ni bunganga. Honest smile. Walang halong sarkastiko.
BINABASA MO ANG
Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)
Teen Fiction"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...