KABANATA XII
˗ˏˋ ♡ ˎˊ˗
As time passed by, humupa na din sa wakas ang issue naming tatlo nila Carl at Brandon lalo na't dahil wala na si Brandon sa eskwelahan. At dahil wala na si Brandon, wala na din kaaway si Carl.
I reclaimed my throne and slowly fixed the mess that I made. Penelope left me alone, finally. Probably because she and Carl started dating again. I didn't mind, actually. Mabuti nga't naging sila ulit para tigilan na din ako ni Penelope. Nakakapagod na din kasi ang away namin dahil lang sa isang lalaki.
Everything's going well in my life.
Except, I started to miss Brandon Orland.
Sinusubukan ko na tawagan si loser pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Palaging nauuwi sa voice mail hanggang sa isang araw, out of reach na talaga siya and it seemed like, he changed his number.
He also blocked be on Facebook kaya hindi ko siya ma-chat. Kahit si bessy ay hindi na din alam kung ano ba ang nangyayari kay Brandon dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ni Jessica.
"Wala na bang ibang paraan para makausap si Brandon?" tanong ko kay Jessica habang nakatambay kami sa isang coffee shop malapit sa amin ngayong Sabado.
"May isa pang paraan," sagot ni bessy. Agad akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya. May natitirang pag-asa pa pala para makausap ko siya.
"Do tell, please," Sabi ko.
"Pupunta tayo sa bahay niya para kamustahin siya," suhesyon ni bessy.
First time kong pupunta sa bahay niya. Actually, first time kong pupunta sa bahay ng isang lalaki. Kahit na lapitin ako, hindi kasi ako 'yung tipo na kung sino-sino ang ineentertain just for fun.
I am not a fan of hook-ups and playdating. I'd rather invest my time in self-development and career ko. Wala akong planong magsayang ng oras.
"Sure, sige," sagot ko. "Bakit hindi mo sinabi 'yan 'nung una palang?"
"For starters, ayaw ni Brandon na may ibang tao na pupunta sa bahay nila kaya hindi kita agad sinabihan," she explained. "Sorry, bessy."
"It's fine, I understand," sagot ko at saka ngumiti. "E bakit ayaw niya na may magpunta sa bahay niya? What is he, son of a celebrity?"
***I couldn't believe that Brandon was the son of a celebrity! I was just joking pero coincidentally, totoo pala.
Nandito kami ngayon sa harapan ng magarbong bahay nila na mas maganda pa sa bahay namin — 3 storey building with one large garden and rooftop. May tatlong sasakyan pa sila na naka-park sa tabi ng bahay nila.
And the one who welcomed is no other than France Florence.
"Sino ka?" tanong niya nang nakita niya ako. Up close, he looked simple. Ang layo niya sa France na iniidolo ko.
France Florence is a very popular male model ng isang sikat na fashion brand. Hindi lang siya model, fashion designer din siya kaya nga iniidolo ko siya.
Mula sa likod ko, biglang sumulpot si bestie. "Hi tito France! Ako 'to, si Jessy."
'Tito? What is the meaning of this? Magkakilala in person ang bestie ko at ang idol ko?' I thought.
"Jessica! Long time no see!" masigla na sabi ni France saka siya niyakap ng mahigpit. Niyakap ni bestie pabalik si France. Then they pulled away from their hug.
"Nga pala, tito, this is my best friend, Claire," tumingin sa'kin si Bridgette at biglang nawala ang mga ngiti niya. "You're Claire? That girl who humiliated my son?"
Hindi ako nakaimik sa part na yon and I suddenly fell silent in guilt. Tanda ko pa 'yung araw na ipinahiya ko siya sa school campus. Ang gusto lang naman niya ay makipagkaibigan sa'kin.
"I-I'm so sorry. I regretted that and I wasn't proud of my behavior," Sabi ko. I am very prepared for whatever harsh words he's about to say so imagine my surprise when he suddenly smiled.
"Let's put the past behind, alright? Saka isa pa, you saved Brandon a long time ago," sabi niya na ikinataka ko. What is she talking about? Nakilala ko lang si Brandon 'nung highschool. It's not that long time ago. "Tara, pumasok na muna tayo so we could chat."
And with that, pumasok na kami sa loob ng bahay ng aking idol.
୨♡୧
"Curious lang. How come you're Brandon's father when you're single, your last name is Florence while Brandon's last name is Orland," tanong ko. "It didn't make any sense."
He smiled and answered, "Because I am not Brandon's biological father. I am his stepdad and Brandon chose to keep his biological father's last name."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. So ang ipinagtatabuyan at ang lalaking namimiss ko ngayon ay stepson ng isang bigating celebrity? Tapos 'yung idol ko pa?
"I see. So 'yun din ang dahilan kung bakit ayaw niya na may pumupunta sa bahay nila," I said in realization. "Saka, what were you talking about me, saving him a long time ago?"
"Grade 04 kayo noon. Brandon was a weak boy so he was often targeted by bullies," simula ni France. "Isang araw, susunduin ko na sana si Brandon mula sa school at pagdating ko 'dun, nakita ko na pinagtutulungan si Brandon sa playground. Aawatin ko sana ang mga bata pero naunahan mo ako," he sighed with a smile on his face as if he's reminiscing. "Hindi ko makakalimutan kung paano mo binasa gamit ng hose ang mga bata na nang-away sa kanya," France chuckled.
Yes, that's something I'd do as a child. I was nice and mean at the same time. And I still am.
"But the next day, you transferred to another city. Simula 'non, Brandon started to look for you. Natagpuan ka niya 'nung first year highschool ka na sa Evergreen Heights High. Agad siyang lumipat doon at finally, naglakas-loob na lapitan ka."
I fell silent for a while. "Pero bakit hindi niya pinaalala sa'kin?"
"Dahil sa standing mo sa school. Sabi niya, ayaw niyang ma-distract ka," paliwanag ni France.
"Ako lang ang nag-push sa kanya dahil nakita ko na gustong-gusto ka ni Brandon. Ayaw ka lang niya na ma-distract," dagdag ni bestie. "Hindi mo ba alam na mahal na mahal ka 'nun to the point na pinili niyang umalis sa eskuwelahan para lang mabalik ang mga bagay na nawala sa'yo."
"Anong ibig mong sabihin?"
Huminga ng malalim si Jessica at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "Kaya ka naibalik sa cheerleading squad at bilang muse ng eskuwelahan ay dahil kay Brandon. Noong panahon na napunta sa detention sila Brandon at Carl, sinabi ni Carl na gamit ang kapangyarihan niya, puwedeng maibalik sa'yo ang lahat ng nawala sa'yo. Pero may kapalit."
Then the realization hits me.
"Ang kapalit ay ang pag-alis ni Brandon at pumayag siya."
Jessica nodded. "I knew you'd realize it right away."
"Pero bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'to?" I could feel my tears swelling on my eyes. Nagpipigil lang ako.
"Ayaw niyang ipaalam sa'yo," sagot ni bessy. "I'm sorry."
Natahimik ako saglit. Lalong gusto ko siyang makita so I finally asked, "Nasaan si Brandon? We need to talk and make things right."
Baka puwede pang maayos ang lahat. Baka may tyansa pa kami.
France's face turned sad and said, "He's gone. Hinatid siya ng mommy niya sa airport. Sa ibang bansa siya mag-aaral ng college."
***
BINABASA MO ANG
Romancing The Sassy Girl (Vol 01-03)
Novela Juvenil"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙨𝙖'𝙮𝙤 '𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤, 𝙢𝙖𝙮 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤?" 𝙝𝙚 𝙖𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. "𝙒𝙝𝙮 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙣 𝙪𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 �...