Part 11
UNKNOWN NUMBERAuthor’s Note: super short lang po ito, at huwag magagalit, may purpose po ang episode na to
May POV
Nagising sya na yakap yakap prin ni Ed, maingat nyang inalis ang kamay nito na naka yakap sa kanya at humarap dito, tinignan nya ang wall clock na nakasabit sa may tabi ng pintuan, 4 am palang. Madilim pa sa labas, at wala na rin ang malakas na ulan, payapa na ang kalangitan, sobrang tahimik tanging pag “tik-tok” lang ng orasan ang naririnig nya at ang puso nyang umaawit dahil sa kasiyahan. Nagawi ang paningin nya sa mahimbing na natutulog na si Edward, mataman nya itong pinagmasdan, sobrang saya nya ngayong araw na to, kasi kahit hindi sya nito maalala, still nandun parin ang sweetness sa kanya.
Hindi nya maiwasang pamulahanan ng sumagi na naman sa kanyang isipan ang pinagsaluhan nilang halik kanina, wala sa sariling napahawak sya sa mga labi at ngingiti-ngiti “ang landi mo May! Ilang araw palang kayong magkakilala, nakikipaghalikan ka na kaagad!” pagalit nya sa sarili ng biglang tumunog ang cell phone, tinignan nya muna si Ed kung nagising ba ito, pero masarap ang tulog nito ni hindi man natinag. Kinuha nya ang cell phone at tinignan ang nag text sa kanya “Ang aga naman ng nag text na to?” tanong nya sa sarili.
Unknown: Satingin mo ba seryoso sya sayo? Ilang araw ka lang nyang nakilala, huwag kang mag e-expect na seseryosohin ka nya! (nagulat sya sa laman ng message, unknown ang number)
“Sino kaya to? Baka na wrong send lang” sabi sa isip, pero bigla nanamang tumunog ang cell phone nyaUnknown: kung ako sayo! Lalayuan ko na sya! Ang kapal din ng mukha mo! May fiancé na ang tao, nilalandi mo pa!
Nang dahil dun nabitawan nya ang cell phone, gulat na gulat sya! hindi nya alam kung ano ang iisipin, namalayan na lang nya na may luha ng dumadaloy sa kanyang pisngi. Umiiyak na tinitigan nya si Edward, “Sobrang sakit! Bakit ba hindi ako pweding tuluyang maging masya?! Gusto ko lang naman ang makasama ang lalaking mahal ko! Pero bakit? Ano ito? Pinaglalaruan mo lang ba ako Edward? Dahil kung oo! Sana pinatay mo na lang ako! Dahil sa oras na ito, patay na patay na ang puso ko!!. Ang tanga-tanga mo talaga Marydale! Inuna mo na naman ang puso mo! Hindi ka nag iisip!” sabi nya sa isip, hawak hawak ang dibdib habang nakatingin sa natutulog na si Edward. Dahan-dahan syang tumayo sa kama, kinuha ang mga gamit nya at nilisan ang lugar na yun kasama ang duguan nyang puso.
To be continued
Ps. Guys! Hwag mag hysterical, chill lang, mas maganda ang story kung merong twist diba? Hope you like it, tomorrow evening ang Part 12