Author’s note: kapit kayo mga ka MayWard, malapit ng matapos ang “THE HALLWAY”
Part 17
He Change 2
May POV
Ilang linggo na rin ang lumipas ng umalis si Edward papuntang Canada, sa una aaminin ko mahirap talagang tanggapin, nasanay kasi ako na lagi syang nadyan sa tabi ko, tapos isang araw bigla mo nalang malalaman na aalis sya pansamantala.Pagdating palang nya sa Canada kaagad nya akong tinawagan, hindi ko matago ang saya ko dahil alam ko tumutupad sya sa pangako nya.
Doing well naman daw ang pag resolba nya sa problema ng business nila. Minsan minsan nga lang nakakatulugan nya ako kapag kausap ko sya, dahil narin siguro sa big difference ng time ng abroad sa Pilipinas, dahil dun naappreciate ko ang sakripisyo ng mga kapwa kong Filipino na OFW, ibang klase din sila!, natitiis nilang mapalayo sa mga pamilya nila para mabigyan ang mga ito ng kaginhawaan.
Sa mga lumipas din na linggo akala ko napatunayan ko na matibay ang relasyon namin, dahil kahit na nasa long distance relationship kami ngayon, hindi dumating sa punto na napapabayaan na naming ang isa’t isa. Pero akala lang pala…
Dahil sa mga lumipas na dalawang buwan nanlamig na sya saakin (. Hindi ko alam kung anong problema. Nag aaway kami, oo, pero kaagad din naming na sosolve yun, pero iba yung ngayon, hindi kami nag away pero bakit parang iba na sya?. Napansin ko to ng isang gabing magkausap kami, sobrang dry nyang kausap. Oo at hindi lang ata ang sagot nya, hinayaan ko sya kasi baka pagod lang, pero sa mga sumunod na araw, padalang ng padalang ang pagtawag nya sakin.
Dumating sa point na pinapatayan na nya ako ng tawag, hanggang sa connot be reach na sya, pati fb nya, deactivate na sya, skype? Wala na din. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tinatanong ko na si Tita (mama ni Ed) pero pati sila di narin sya ma contact, walang may alam kung anong nangyayari, tanging kasama lang ni Edward sa Canada ay ang Papa nito, ang kapatid nya ay nasa Pilipinas din.
Ilang araw na akong nag iisip kung anong posibleng dahilan, may nangyari bang masama sa kanya doon? Naaksidente ba sya? O baka may iba na? ayokong mag isip ng negative lalo na yung huli, pero sa mga nangyayari ngayon, hindi ko maiwasan!.
Kisses: May, kumain ka na ohh, ilang araw ka ng matamlay, kailangan mong magpagaling.
Ilang araw na akong nilalagnat, at ito! nandito ang bestfriend ko para pilitin akong kumain. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko si Edward at kung anong ang nagyayari dito ngayon
May: Anong date ngayon?
Kisses: July 7, bakit?
May: ngayon ang pag uwi ni Edward! April 7 sya umalis, (masayang sabi nya at nag mamadaling bumaba ng kama, nag bihis, at nag ayos
Kisses: san ka pupunta?!
May: pupunta akong airport, sasalubungin ko si Edward (masyang sabi nya at umalis na, kasama si Kisses)Pagdating nila sa Airport
Kisses: gano ka, ka sure na ngayon ang uwi ni Edward? Wala nga kayong communication diba?
May: basta! alam ko! (excited na sabi nya. Ilang oras din silang naghintay,hanggang sa gumabi na)
Kisses: sure palang darating sya ngayon ahh (sarcastic na sabi ni Kisses)Nawawalan na din sya ng pag asa, nag iinit na ang sulok ng mata nya. Ng akmang yayaain na nya si Kisses upang umalis dun naman ang pag labas ni Edward mula sa pinto
Kisses: oh! May! Ayon si Edward! (pakasabi ni Kisses nun, dali dali syang tumakbo at sinalubong ito ng yakap)
May: Namiss kita (sabi nya habang yakap yakap nya ito, pero ilang minuto na ang nakalilipas, di parin ito gumagalaw, kumalas sya mula sa pgkakayakap dito. Pagtingin nya kay Edward poker face lang ang itsura nito. Kinabahan sya bigla, “bakit parang ibang tao ang nasa harap ko ngayon?”)May: Edward?
Babae: Edward Honey! (napatingin sya sa babaeng sumigaw, lumapit ito sa kanila at pinulupot ng parang ahas ang kamay kay Edward) Hi! kaibigan ka ba ni edward? (Hindi nya maibuka ang bibig nya, nakatingin lang sya sa mga ito, ng walang makuhang sagot sa kanya ang impaktang babaeng to, nagtanong naman ito kay Ed) sino sya Honey? (malandi nitong tanong kay Ed) ohh! Whaever! By the way! My name is Heaven, and I am the fiancé of Edward
Para syang pinasabog sa narinig pero lalo syang nasaktan ng marinig ang sinabi ni EdwardEd: Hindi ko sya kaibigan. She’s nothing to me.
To be continued
