Heto Tayo

388 12 2
                                    

#Day25 :

Okay naman tayo eh. Okay ka. Okay ako sayo. Pero bakit lagi mong pinipilit na hindi. Laging may alinlangan sa isip mo. Laging may pero. Okay ka naman. Sa totoo nga niyan hindi ka lang okay eh. Kung may mas susobra pa sa okay? Ikaw yun! Kasi hindi ka kalebel lang ng ibang tao o miski ako. Bakit nga ba? Kasi kung meron man akong panaginip at pangarap na pinagisa ikaw yun! Kasi parang pangarap ka na ngang naturingan sa panaginip ka pa pwedeng maabot. Oh wag mong sabihing hindi nanaman kasi maiinis na ako. (Pero biro lang kelan ba ako nainis sayo, diba?) Para kasing pinalalabas mo na hindi ko alam yung sinasabi ko pero sa totoo lang ito na yung pinaka alam ko sa lahat ng alam ko noon. Dito lang ako sigurado, sayo lang ako sigurado. Satin lang ako sigurado. 

Kaya sana nakita mo sa kung paano kita tignan pag magkasama tayo. Na para bang ikaw lang ang tao sa mundo. Sa mundo ko. Sa mundo ko na gusto kong simulang paikutin sayo. Sa kung paano kita yakapin, ang init sa mga bisig kong hindi ka panlalamigan. Sa mga salitang sayo na sana iaalay kung pahihintulutan ng tadhana. Nakahanda na sana sila, bawat titik ng salitang ikaw ang pumapagitna. Siguro nga torpe at tila walang patutunguhan itong mga pinagsasabi ko pero diba ganun naman pag nagmamahal nawawalan ka ng kakayahang magisip ng matino dahil hindi naman isip ang ginagamit sa pagmamahal. Pero mali pa din ang argumento alam ko, ilalaban mo na parte ng utak ang nagmamahal. 

Marahil tama ka, pero ng dahil sa pagibig nagiging manhid ito sa deretchong linya ng katinuan. Sige, sabihin na nating ganun na nga, kaso huli na para pigilan ang puso sa pagpapadausdos nito sayo, sa ikaw na nais ko sanang sumalo dito. Huli na para pigilan pa miski nga ang pabagalin ang pagbulusok nitong parang bulalakaw na gustong humanap ng masisilungan sa mundo hindi na kakayanin ang pigilan ko pa kaya? Kaya ayun hinayaan ko ang sarili sayo, pinaubaya ang puso sa tayo. 

Dahil minsan kong inakalang pwedeng maging totoo ang lahat ng pangarap at panaginip, ang lahat ng oras na kasama ka na para bang ayaw ng bumitiw. Ang mga oras na hawak lang ang iyong kamay kahit na may makakita pa nito. Walang pake sa sasabihin ninuman dahil ang tanging may halaga lang sakin ay ang sasabihin mo. Alam ko naman at tanggap ng utak ko na may malaking porsyento ng tayo ang hindi mabubuo at kahit masakit o mahirap isipin na hindi pwedeng pagbigyan ang ganito kalakas na uri ng koneksyon siguro hanggang dito nalang ako sa tayo. 

At kahit hindi ko pa alam ang sagot ng isip mo sa mga sarili mong tanong pero tanggap ko na din na baka hindi sapat ang lahat ng naibigay para pantayan ang naibigay na nila. Na baka hindi pa sapat ang oras at pagmamahal na bumilang ng ilang oras araw at buwan sa taon na nariyan na. Na baka kahit pa pilitin kong patunayan sayo na ikaw ang mahal at mamahalin hindi pa din ito sasapat upang tumbasan ang pagmamahal na naunang napatunayan sa iyo. Ngunit mahal, gayon pa man nais ko sanang maintindihan mong hindi titigil ang pagmamahal sayo kahit na hindi pa tayo pwede. 

Malay natin hindi ba? Kaya nga may baka bukas, kaya nga may pangarap at panaginip, malay natin hindi lang yun matatapos doon. Hindi nga siguro ngayon, dahil pasensya ka na sa aking pagka huli, ngunit mahal, mamahalin at mamahalin ka pa rin naman ng pusong iyo na. Ng pusong handang maghintay, ng pusong hindi mo masisising bumulusok na parang bulalakaw na para bang humahanao ng masisilungan sa ikaw. Pasensya ka na hindi kasi madaling pabagalin ang pagpadausdos nito lalo na ang pigilan pa.

#BedroomConfessionsWhere stories live. Discover now