Alas nueve na ng umaga nang marating ni Zach ang bahay ni Roberta Robles na may address na #25 Brgy. Caparispisan, Pagudpud. Katabi iyon ng ilang beach resorts at nakaharap sa dalampasigan.
Kung business-minded siguro ang babae, baka naisipan nitong i-convert sa isang beachfront hotel ang two-storey house nito. Siguradong malaki ang kikitain nito dahil dinarayo ng turista ang Saud Beach na ilang kilometro lang mula roon.
Nakakabighani ang ganda ang lugar. Para iyong paraiso sa mapuputing dalampasigan, malinis na tubig-dagat at maliwanag na kalangitan. Napansin din niyang mas laidback at hindi matao sa parteng iyon ng beach.
He breathed in the cool sea breeze. Pakiramdam niya ay ang gaan ng kanyang baga dahil sa preskong hangin. Mukhang naiintindihan na niya kung bakit mas gusto ni Raissa Teczon na manatili sa lugar na ito kaysa lumipat sa Maynila. Nakaka-inspire ngang gumawa ng sining kapag ganito kagandang scenery ang makikita ng isang tao araw-araw.
Sa harap ni Zach ay isang two-storey house na sa tantya niya ay nasa two hundred square meters. Simple lang ang disenyo at medyo nababakbak na ang pintura. Malayo sa magagandang resorts na katabi niyon.
Mayroon iyong terrace na nakaharap sa dagat. Nai-imagine na niya si Raissa na napuwesto sa isang upuan doon, mapapahinto sa pagtata-type sa ginagamit na typewriter—kagaya ng sinabi kay Zach ng mga kasamahan—para tumunghay muna sandali at maghanap ng sagot sa bughaw na dagat at langit.
He sighed. Ang sarap naman niyon. Bigla tuloy siyang nainggit.
Sumilip si Zach sa mababang bakuran na gawa sa luma pero magandang klase ng kahoy. Parang walang tao sa bahay dahil sarado ang lahat ng bintana at tahimik ang paligid. Hindi kaya natutulog pa ang babaeng manunulat? Ang alam niya, maraming writers ang nocturnal at sa gabi mas productive.
"Yes? May kailangan kayo?" naringgan niyang medyo may slur na tawag mula sa kanyang likuran.
Lumingon siya at parang may dumunggol sa dibdib niya sa nakita.
Isa iyong medyo susuray-suray na babaeng nakasuot ng baby pink off-shoulder dress na hanggang hita. Bitbit nito sa isang kamay ang pares ng maduming puting Converse shoes.
She was beautiful. Iyon ang una niyang naisip. Mukha itong nineteen years old lang. Maamo ang mukha ng babae, mahaba ang buhok na hindi niya malaman kung alun-alon ba talaga dahil gulu-gulo; balingkinitan pero makurba ang katawan, average ang tangkad, makinis at parang kumikinang pa ang morenang balat.
Pero medyo napakunot-noo rin si Zach dahil sa hitsura nito na para bang kagagaling lang sa pagka-clubbing at lasing pa. O galing ba ito sa bahay ng lalaking nakasama nito nang nakaraang gabi?
Nairita siya lalo dahil sa huling kaisipang iyon.
At dahil hindi niya naintindihan ang magkahalong emosyon na naramdaman nang sandaling iyon, parang nagdesisyon na agad ang utak niya na hindi niya gusto ang babaeng kaharap.
Seryoso ang expression na kinausap niya ang babae. "I'm just wondering kung may tao rito." Itinuro niya ang bahay at tinalikuran ang estranghera. Minabuti na rin niyang mag-doorbell na sa wakas.
Naramdaman niyang may kumalabit sa likod niya kaya hinarap niya ulit ang babae. Nakapamaywang ito at nakakunot-noo sa kanya. "Sino nga ang kailangan mo diyan?"
"I'm looking for Miss Roberta Robles." May ideyang sumulpot sa utak niya na parang suminding bombilya. "Oh, wait, mama mo ba siya? 'Yung writer?"
Lalong lumalim ang pagkunot-noo ng kaharap niya. "Excuse me?"
"My name is Zachary Paez. I work for Bookworm Publishing, 'yung publisher ni Miss Roberta. I need to talk to her about her contract with us." Inilahad niya ang kamay pero parang hindi iyon napansin ng babae na mukhang nahulasan na sa wakas.
BINABASA MO ANG
Between the Pages (Published by Bookware, 2017)
عاطفيةPublished under my other pen name, Zoe De Jesus This is released na po in a longer and revised version at www.ebookware.ph in ebook format. Final title po ay #25 Brgy. Caparispisan, Pagudpud as part of XXV 25th anniversary collaboration project ng M...