"You will never believe kung ano ang hitsura ni Raissa Teczon sa personal," bungad ni Zach kay Lenny nang sagutin ng babae ang tawag niya. Kapwa niya junior editor ito at pinakaka-close niya sa Bookworm.
Wala itong arte sa katawan at medyo totomboy-tomboy kumilos, pero lalaki naman ang type. Sa katunayan, engaged na ito sa nobyo nitong isang arkitekto.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa naging encounter sa paborito niyang manunulat. Ang layo sa mga inisip niyang magiging meeting nila ni Roberta Robles ang naganap.
Minabuti niyang maglakad-lakad sa beach habang nag-iisip kung ano ang magandang gawin. Nang makita ang isang maliit na café, pumasok siya roon para magmerienda, tuloy tawag na rin sa kasamahan.
"Bakit? Ano ba'ng hitsura niya? Pangit?" Tila naintriga rin ito.
Umikot ang mga mata ni Zach. "Sobrang layo sa expectation ko." Ikinuwento niya sa pinakamalapit niyang kaibigang babae kung ano ang nangyari.
"Whoa! That's interesting!" komento ni Lenny. "Attracted ka sa kanya!"
"What?" di-makapaniwalang sagot niya. "Did you even listen to what I just said?"
"S'abi mo, maganda ang mukha, sexy, bata pa."
"Hindi mo ba nadinig na sinabi kong lasengga rin si Miss Robles, balahura sa bahay, mukhang iresponsable, at all this time, pinaniwala niya ang mga readers niya na may tao siyang mahal na mahal, pero ahas pala 'yun."
Tumawa ang kaibigan. "Pero tunog smitten ka pa rin n'ung dinescribe mo 'yung hitsura niya."
"Whatever, Lenny," inis nang pagsuko ng binata. "Tulungan mo na lang akong mag-isip. Do you think, dapat ko pa 'tong ituloy?"
"At bakit mo naman hindi itutuloy, eh, di nalagot ka kay Boss! Gusto mo bang mawalan ng trabaho?" sagot ng kausap.
Natuon ang tingin niya sa isang grupo ng mga babae na nagkakasayahan habang kumukuha ng pictures ng isa't isa.
"Pakiramdam ko kasi wala nang pag-asa 'tong si Raissa Teczon," matapat na turan ni Zach.
"Ano? Wait lang, choppy ka."
"What?" Inilayo niya sa tainga ang cellphone at nakita sa screen na isang bar lang ang signal ng network niya. Napamura siya.
Mabuti na lang, bayad na ang kinain niya. Iniwan na ng binata ang kanyang mesa at lumabas ng kapehan.
"Lenny?" untag niya ulit nang halos nasa beach na siya. "Dito, naririnig mo na ako?"
"Medyo-medyo."
"Kasi, Lenny... Hindi naman sa nag-ju-judge ako agad-agad, ah, pero kung makikita mo lang siya, magdadalawang-isip ka talaga kung kaya ba niyang magsulat ng kahit anong may katuturan."
BINABASA MO ANG
Between the Pages (Published by Bookware, 2017)
RomancePublished under my other pen name, Zoe De Jesus This is released na po in a longer and revised version at www.ebookware.ph in ebook format. Final title po ay #25 Brgy. Caparispisan, Pagudpud as part of XXV 25th anniversary collaboration project ng M...