Chapter 3

119 10 2
                                    

Automatic nang nagigising si Bobbie pagdating ng alas cuatro ng umaga. Kahit anong oras pa siya natulog nang nakaraang gabi, doon na talaga naka-set ang alarm ng body clock niya.

May kaunting kirot pa sa isang panig ng ulo niya kaya nagdesisyon siyang uminom na ng mefenamic acid bago pa iyon lumala at ma-compromise ang writing time niya.

Naghilamos lang siya at nagsepilyo, hindi na nag-abalang palitan ang pajamas na suot. Bumaba na siya sa kusina saka nag-init ng tubig para sa instant coffee na natira sa binili niya nang nakaraang araw, nag-toast ng tinapay, kumuha ng butter at cheese saka dinala ang mga iyon sa kanyang writing office for the moment—sa terrace. Pagkatapos, bumalik siya sa kuwarto niya para sa kanyang laptop.

Binuksan niya ang computer at nagsimulang i-review ang huli niyang naisulat na bahagi ng manuscript. Ang tantya ni Bobbie noong i-outline niya ang kuwento, aabot iyon sa fifty thousand words. Awa ng laptop niya, nasa two thousand five hundred twenty-five words na ito ngayon. Wala pa kahit sa ten percent.

Napabuntong-hiningang nagsimula na siyang magsulat.

Unfortunately for her, wala siyang luxury para gawin ang pinlano niyang pang-aasar sa Paez na iyon. Una, siya ang hindi tumupad sa kontrata kaya siya dapat ang magpakumbaba. Pangalawa, hindi naman talaga niya kayang huminto sa pagsusulat. Kahit pa gustuhin niya, hindi niya iyon kaya.

Gaya ng routine niya, alas seis na siya aalis sa kinalulugaran niyang iyon. Mag-jo-jogging siya sandali at maghahanap ng makakain para sa tanghalian. Pagkatapos, babalik siya ulit at magsusulat—this time, sa ibang lugar naman sa bahay dahil mainit na sa terrace—hanggang sa magutom siya. Mananghalian siya, magpapahinga nang dalawang oras pagkatapos makikipagtuos ulit sa kanyang laptop.

Halos walang Internet connection signal sa parteng iyon ng probinsya, pero okay lang iyon kay Bobbie. Ayaw rin naman niyang nadi-distract ng kung anu-ano. Kapag may kailangan siyang i-research o kontakin sa kabihasnan, nagmamaneho na lang siya hanggang Laoag City at doon iyon ginagawa. Na mas bihira pa yata kaysa sa blood moon kung mangyari.

But so far, she was liking her quiet, isolated life. Nasa Australia ang nanay niya, kasama ang ikatlo nitong asawa. Ang tatay naman niya, abala sa pambababae nito at ewan kung saang lupalop naroon.

It was okay. She was okay with being self-sufficient and never having to depend her happiness on anyone, but herself. She liked it. Anyway, ayos nga ito at natututo siyang maging matatag at gumawa ng sarili niyang kaligayahan.

At mahal na niya ang Pagudpud. Hindi siya rito lumaki at dalawang taon pa lang na nananatili sa bahay na ito, pero gusto na niya rito. Maganda ang lugar, walang polusyon, mababait ang tao, tahimik.

Gusto rin niya ang kanyang trabaho—ang katotohanang nagagawa niya ang first love niya na pagsusulat nang hindi nako-compromise ang kanyang privacy.

Iyon nga lang, mukhang malaki ang problema ni Bobbie sa ngayon. Sa kontrata kasi niya sa kanyang publisher, kailangan niyang magpasa ng apat na manuscripts bawat taon, at sa ngayon, anim na buwan na siyang hindi tumutupad sa usapan. Ang masama pa roon, hindi magaganda ang natanggap niyang reviews sa huling dalawang manuscripts na pinilit lang niyang tapusin.

She sighed. Hindi naman siya nagpapabaya, wala lang talaga siyang matinong maisulat. Nakailang revisions na siya at repaso ng plot sa kasalukuyang writing-in-progress niya.

Pumasok sa isip niya ang mukha ng isang tao at marahas siyang umiling.

"Neknek mo. I refuse to believe na ikaw ang rason kaya ako inaalat. In the first place, hindi ako inaalat. Creative hibernation ang tawag sa pinagdadaanan ko. Na nalampasan ko na. Yes, tama 'yun. Wala na akong writer's block at marami akong matatapos ngayong araw," kumpiyansa na sabi niya para i-motivate ang sarili.

Between the Pages (Published by Bookware, 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon