Twenty-five bestsellers later...
Nagising si Bobbie sa pakiramdam ng mainit na brasong nakabalot sa kanya at sa mga labing nakadikit sa noo niya. Hindi pa man siya dumidilat ay napangiti na siya.
"Gising na, love," tawag ng boses ng kanyang asawa sa nakalipas na magtatatlong taon na ngayon.
Mabibigat ang talukap na dumilat siya para makita ang pinakapaborito niyang tanawin sa umaga: ang guwapong mukha ni Zachary Paez sa tabi niya.
She sighed and automatically thanked God upon seeing him. She's one blessed woman.
Inabot ng isa niyang daliri ang panga nito. "Alas cuatro na ba?" tanong niya.
Pinatakan nito ng halik ang noo niya. "May ten minutes pa."
Kunwaring sumimangot si Bobbie. "Eh, ba't ginising mo na ako? Nagising ba si Pen-Pen?" tukoy niya sa bunsong anak nila na one year old pa lang.
Umiling ang kanyang asawa; may misteryoso itong ngiti sa labi. "May surprise kasi ako sa 'yo."
Pumikit siya at nagkunwaring matutulog pa. "Ano ba 'yun? Puwede bang mamaya mo na lang ibigay sa akin? Tutulog muna ako."
"Ngayon na. Para ganahan kang magsulat." Hinalikan siya ulit ng mister sa noo. "Bangon na diyan, tara na."
Nanunulis ang ngusong napilitan siyang bumangon papaupo sa kama. "Kapag di natuwa ako diyan sa surprise mo, lagot ka sa akin."
Tumawa lang si Zach at mukhang hindi na-threaten. May kung ano itong kinuha sa drawer nito.
"Surprise!" sambit nito, sabay taas ng isang libro na nasa kamay nito. "Dumating ito kahapon ng hapon habang busy kang nakikipaghabulan kina Nate-Nate sa dagat," tukoy nito sa panganay nila.
Namilog ang mga mata ni Bobbie. "Is that what I think it is?"
"Yep," tango ni Zach. "Your fiftieth bestseller."
"Oh, my God!" Mabilis na tumayo siya at kinuha mula rito ang huling nobelang na-publish sa ilalim ng pen name niyang 'Raissa Teczon'. Itim at pink ang kulay ng cover niyon at maganda ang font na ginamit para sa pamagat na Between the Pages.
Kagaya ng nauna niyang mga libro, excited pa rin siyang makita ang final na hitsura ng nobelang pinaghirapan niya. Pero pinakaespesyal ang isang ito sa lahat ng naisulat niya dahil, hindi gaya ng ibang nobela niya na pulos fictional, ang isang ito ay malaki ang pagkakahawig sa love story nilang mag-asawa.
Nagpipigil ng luhang binuklat ni Bobbie ang cover ng libro at ang title page. Sumunod doon ay ang dedication page.
"To my number one fan, my loving workmate, my greatest encourager, superdaddy to our babies, my Prince Charming, my forever knight in shining armor, my very own HEA... this is for you, Zachary Paez, along with every piece of my heart. Thank you for being the best thing that ever happened to me, and the best decision I've ever made. I love you. Happy third anniversary."
"Congratulations, love," sambit ni Zach na niyakap siya at saka hinalikan sa labi. "Ang gaganda ng reviews na natanggap nito. They liked everything about it. Some were even saying that this is your best work as of today."
Gumanti siya ng mahigpit na yakap sa asawa. "Thank you. I owe all this to you. If not for you, my writing career would have ended years ago."
"You're called to do this, Bobbie. You're destined to bless people through your writings." Binigyan siya nito muli ng mabilis na halik sa labi. "And I won't take all the credit. Si Ninong Greg ang may kasalanan kaya ako napapunta dito," tukoy niya sa boss nila na kinuha rin nilang ninong sa kasal. "Kung hindi sa challenge niya, wala akong magandang asawa at guwapong mga anak ngayon."
"Thank you for your unwavering faith in me even when I don't deserve it. I love you."
"I love you, too." Napapikit siya nang bigyan nito ng mabining halik ang noo niya.
Naputol ang lambingan nila nang marinig na bumukas ang connecting door patungo sa kuwarto ng kanilang dalawang anak.
"Mommy! Daddy!" patalun-talon na lapit sa kanila ni Nate-Nate, ang kanilang three-year-old son.
Naghiwalay sila at agad itong binuhat ng kanyang poging asawa. "Bakit ang aga mong gumising?"
"May kukuwento po ako," bibong sabi nito.
Nakangiting pinagmasdan niya ang paslit. Sinabi ng mga ate ni Zach, ganitong-ganito raw ang mukha ng asawa niya noong bata pa ito.
"What is it, hmm?" tanong ng mister niya habang hinahalikan ang anak sa pisngi.
"May ishtoyi po ako. Can you yayt it poy me, Mommy? Pweease..." bulol na turan nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa at nagkangitian. May nagmana na yata sa kanya hindi pa man.
"Talaga? What is it about?" curious na tanong ni Bobbie.
"Tungkol po sa pangit na stayfish," proud na kuwento nito. "Saka po sa fwiend niyang ishnail na pwince. Nakatira po sila sa malayong-malayong dagat..."
"Hmm, interesting. Sige, isusulat natin 'yan," aniya.
Inakbayan siya ng asawa at iginiya silang mag-ina patungo sa terrace sa office niya para sa oras na iyon. Binigyan sila nito ng tig-isang halik bago nagpaalam.
"Magtitimpla muna ako ng kape. Mukhang mahaba-haba anggagawin ninyong pagbe-brainstorm sa kuwentong 'yan," bulong nito saka siyainiwan sa anak na patuloy sa pabulol na pagkukuwento.
THE END
BINABASA MO ANG
Between the Pages (Published by Bookware, 2017)
Storie d'amorePublished under my other pen name, Zoe De Jesus This is released na po in a longer and revised version at www.ebookware.ph in ebook format. Final title po ay #25 Brgy. Caparispisan, Pagudpud as part of XXV 25th anniversary collaboration project ng M...