Espasyo

36 1 0
                                    

Espasyo
11.11.16

Iisa ang lupang ating tinatapakan
Iisa ang hanging nalalanghapan
Iisa ang bituing hinihilingan
Ngunit 'di mawari kung magkapareho pa ba ang nararamdaman.

Sa tuwing nakikita ang 'yong mga mata
Na minsan ay nagnanais akong makita
Ngunit ngayon ay nawalan na ng pag-ibig at sigla
Agad napapatulo ang aking luha.

Masikip sa damdamin ang malaking espasyo
Na humahadlang na magkalapit tayo
Ang mahigpit mong yakap ay mas maluwag sa puso
Kesa sa pag-ibig mong unti-unting naglalaho.

Patawad, sapagkat ako ang unang lumayo
Patawad, sapagkat nagsisisi ako
Ngunit huli na ang lahat, 'di ko na abot
Ang kamay mong minsang humawak ng puso ko.

A E I O UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon