Kapansanan
12.15.16
Hinding-hindi makikita
Ng isang nagbubulag-bulagan
Ang katotohanan na
Ayaw niyang pagmasdan
Hinding-hindi maririnig
Ng isang nagbibingi-bingihan
Ang pintig ng isang pusong
Naghahangad ng kalayaan
Hinding-hindi masasabi
Ng isang taong pipi
Ang pag-ibig na nananatiling
Nakakulong sa kanyang bibig
Walang makakalunas
Sa isang kapansanan
At sa isang pusong sugatan
Kapag ang mayroon nito mismo ang may kagagawan.
