Hanggang Salita
9.25.16
Hanggang salita nalang siguro
Ang pagpapaalam ko sa'yo
Dahil sinta hindi pa natatapos
Ang pag-ibig kong ito
Hanggang salita nalang siguro
Ang paglimot ko sa'yo
Dahil utak ko lang naman ang nakakalimot
At hindi ang puso ko
Hanggang salita nalang siguro
Ang pagbitaw ko sa'yo
Dahil pinag-isa na ang kamay ko at kamay mo
Ng aking pagmamahal at mga pangako
Hanggang salita nalang siguro
Ang magmahal ng iba
Dahil walang sinuman ang makakapalit
Ng pwesto mo sa puso ko, sinta
Hanggang salita na lamang
Ang mga nabanggit ko
Ngunit hindi kailanman
Ang pagmamahal ko sa'yo.
