Lubusan
11.20.16Masama ang magmahal nang lubusan
Tingnan mo, bulsa ko'y nabutasan
Sa pagtaas ng tuition sa eskwela
Sa dagdag presyo ng paborito kong empanada
Kung kaya't natutunan kong huwag mag-aksaya ng pera
Sa mga bagay na walang kwenta
Gaya na lamang ng oras na inilaan ko para sa kanya--walang kwenta.Masama ang magmahal nang lubusan
Yung tipong 'di ko na mabayaran
Ang electric bill ngayong buwan
Kaya hindi na ako nagulat nang kami ay maputulan
Ngunit 'di iyon hadlang para patuloy na magbasa
Upang sa exam ay makapasa
Mabuti na lamang ang magbasa
May patutunguhan pang maganda
Kesa sa pag-ibig ko para sa kanya
Na humantong lamang sa tila walang hanggang pagluha.Masama ang magmahal nang lubusan
Yung piso lang ang naibalik sa bayad kong one thousand
Para sa isang t-shirt na mabibili lang naman
Sa Divisoria sa halagang isang daan
Ngunit mas mainam na ang masuklian ng piso
Kesa sa hindi masuklian ng pagmamahal ni isang porsyento
Para sa binayad kong pag-ibig na 'di mapapantayan ng ilang bilyong piso.Masama ang magmahal nang lubusan
Yung tipong 'di ko na maunawaan
Kung ano ang aking pagkukulang
Ngunit aking napagtanto na 'di na siya naghahangad pa
Ng mas higit pa sa sobra-sobra
Dahil 'di sapat ang aking lubusan upang siya ay mapasaya.Masama ang magmahal nang lubusan
Dahil hindi nito mapupunan
Ang puso niyang iba ang inaasahan
Kaya kung may iba man akong matagpuan
Hindi na ako magmamahal nang lubusan.***
Edited.