Salamin
5.11.17
revised on 4.11.18Sino sila para pagsabihan ka ng mga
masasamang salita
At punahin ang 'yong angking ganda?
Hindi ba nila alam na ikaw ay isang obra
Na kung ano ang gulo ay siya ring ikinaganda?
Ngunit hindi nila ito makikita
Pagka't ang mga mata nila'y mulat ngunit nakasara.Madumi sa paningin nila, ngunit alam kong puro
Makapal raw ang mukha, pero alam kong bitak-bitak ang puso
Subalit huwag kang malulungkot, sinta
Kahit ako lamang ang nakakakita
Sa mga nangangambang mata na natatakpan ng ilang kilong pulbo
Sa namumutlang labi na kinulayan mo ng pula
Sa mga maliliit na sugat na iyong natamo
Sa likod ng 'yong suot na kumikinang at nagkulang sa telaAlam ko ang tunay na ikaw
Naririnig ko ang 'yong pag-iyak at pagsigaw.
Tumahan ka na
Pahiran mo ang mga luhang tuyo na
Takpan mo ang 'yong mga tenga
Kilala kita
Kahit na ang nakikita ko sa salamin ay iba.