Isinulat Kita

22 1 3
                                    

Isinulat Kita
12.22.16

Isinulat kita
Sa papel kong dati'y blangko pa
Isinulat ko ang bawat tuwid at bawat kurba
At kahit gaano pa ito kagulo sa paningin nila
Ikaw ay kasulat-sulat aking sinta

Isinulat kita
Kahit tinta ng pluma ko'y paubos na
Lalagyang muli ng panibagong tinta
Kahit kamay ko'y pagod na pagod na
Sa diin ng pagsulat sa bawat letra
Sa pangangambang ito ay mabura
Kahit papel koy unti-unting nang nasisira
Sinta, isusulat parin kita

Isinulat kita
Sa aking nakaraan
At aking kasalukuyan
At isusulat parin kita
Sa aking hinaharap
Dahil sinta ikaw ay isang obra
Na hinding-hindi maluluma.

A E I O UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon