Tula
10.30.16Hindi ko alam ang dahilan o patutunguhan
Sa pagsusulat ko ng mga tula
Ito ba ay pang-lipas oras ko lamang?
O may dahilang mas malalim pa?Siguro kasi dito ko lamang nasasabi
Ang mga salitang hindi nabibigkas ng aking labi
At dito ko lamang maipaparamdam
Ang pag-ibig kong hindi mo kailanman inasamSiguro kasi ang tinta ng bawat letra
Ay ang bawat patak ng aking luha
Mga luhang matagal nang nakakulong sa'king mata
At ang nais lamang ay makawalaBaka kasi mas mainam na ang aking papel at pluma
Ang tanging nakakaalam
Dahil 'di tulad nila
Hindi mo tanggap ang aking dinaramdam.