Chapter 5. La Sanya's Advice

9.2K 443 153
                                    

Serendipity Art Gallery
London, England

|Rhian|

I just finished talking to some art collector who expressed her deep interest on my paintings. The old lady wanted to get my services to paint for her own art gallery. I would've gladly accept her offer for she offered a very generous deal but that includes visiting her shop in Manila which I can't afford right now. I can't leave the twins behind, hindi ko pa nagawang magtravel nang hindi sila kasama, and I wouldn't dare take them with me to Manila. That's so far from my mind.

So, I turned down the offer though nanghihinayang talaga ko. Nag iwan naman ng calling card ang matandang babae, in case daw na magbago ang isip ko.

Nakatitig pa din ako sa calling card na ibinigay nito ng marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko.

Umangat ang ulo ko at nakangiting mukha ni Sanya ang bumungad sa'kin.

"Hi Mars." Bati nito. Malaki na ang tiyan nito at bahagya na ding namamaga, hudyat na malapit na talaga itong manganak.

Sanya and I met accidently in St. Paul Cathedral. Palabas ito ng simbahan kasama ang Pranses na noon ay mapapangasawa nito at katatapos lang magpaschedule para sa nalalapit na kasal ng mga ito samantalang ako naman ay papasok kasama si Jayson at ang kambal na noon ay anim na buwan pa lang.

She was the first one who approached me, blatantly asking me if the twins was Glaiza's. I didn't denied nor confirmed, instead I just gave her a glare and went inside the church afterwards. That time I still believe that she and Glaiza had an elicit affair, at inisip kong masyado namang makapal ang mukha nito para kausapin ako na parang walang anumang nangyari sa pagitan nila ng asawa ko.

But Sanya was persistent, she waited until I went out and asked me if we can talk. She was almost pleading, kaya sa bandang huli ay napapayag nya ko sa kabila ng disgusto sa mukha ni Jayson. He even warned me not to trust Sanya's word and I know he's just concerned but I was also curious about what the girl will say to me.

We all went to a coffee shop nearby, inokupa namin ang isang lamesa habang sa kabila naman ay si Jayson at ang kambal kasama ang fiancé nito.

The moment we sat down face to face Sanya started talking, telling me the real score between her and Glaiza. Na magkaibigan lang talaga ang mga ito at na wala talagang anumang nangyari sa pagitan ng mga ito ng gabing yun. She told me she just happened to bumped into Glaiza that night, the latter was already wasted, at kasama daw nito noon ang assistant na si Patty na nagkataon namang nagkaroon ng emergency sa bahay. And being the good friend that she is, she took the full responsibility of driving Glaiza home. Pero naisip daw nitong sa rancho na nauwi si Glaiza kaya sa sarili na lang nitong unit idineretso ang huli. May paliwanag din ito kung bakit inabutan kong nakarobe lang si Glaiza. She said Glaiza being wasted and all throw up and so she had to removed its clothes, na ng mga panahong yun ay napuno din ng suka nito. And that she's fully aware that Glaiza was already married, ngunit huli na ng maisip nito na ako ang asawa ni Glaiza nang bigla na lang akong sumulpot sa pintuan ng unit nito ng umagang yun. She knows me being a supermodel and she doesn't think for one moment that I would drop by in her doorstep unannounced.

At first, I refused to believe her. Wala akong naiisip na problema namin ni Glaiza para magpakalasing sya ng ganun pero muli ay mabilis na nagsalita si Sanya. She said Glaiza was so devastated for seeing me fucking her brother. I got horrified with the thought, pero mabilis na gumana ang isip ko at binalikan ang mga pangyayari ng araw na yun. Naalala kong pinuntahan ako ni Rafael sa opisina pero tulog ako ng dumating ito dahil sa bigla akong nahilo kaya napagpasyahan kong mahiga muna sa couch at hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. I woke up with Rafael's touch while his lips trailing on my neck, giving me wet kisses. Naisip kong marahil ay yun ang dinatnang eksena ni Glaiza. But I wasn't even aware with Rafael's advances. Surely, Glaiza didn't saw that part where I pushed her brother the moment I opened my eyes. She should know me better than that. She should've trusted me. Pero mabilis nya kong hinusgahan katulad din ng panghuhusgang ginawa ko sa kanya nang makita ko syang nagpalipas ng gabi sa ibang kama. Isa lang ang nasa isip ko ng mga panahong yun, pareho kaming nagkamali. Pareho kaming naging biktima ng maling akala at maling panghuhusga. Maybe our love for each other wasn't good enough, maybe it wasn't strong enough to face trials and obstacles, dahil sa isang mahinang hangin lang ay agad kaming nagpadala at nagpatalo. Paano pa kaya kung ipu-ipo o malakas na bagyo ang dumating sa relasyon namin? Ano nga bang aasahan mo sa isang pagsasamang wala namang matibay na pundasyon. We're not even friends, basically it's a whirlwind romance that happened between the two of us. Pero ganunpaman, ang lahat ay nagsimula sa mali. Nagpakasal kami sa maling dahilan at hindi lahat ng mali ay kayang itama sa mabilisang paraan, may mga maling nangangailangan ng panahon para maging tama.

Winning Back Mrs. De Castro (MGDC: Book 2)Where stories live. Discover now