Chapter 10. Between The Lines

10.3K 447 120
                                    

|Glaiza|

"Where have you been? I've been worried about you the whole night. Tinatawagan kita pero cannot be reach naman yung phone mo. Saan ka ba natulog kagabi?" Sunud-sunod na tanong ni Gabby matapos akong makabalik sa hotel.

Mula sa pag-aayos ng gamit ko sa suitcase ay bumaling ako kay Gabby. On my hand is her plane ticket dated today.

"Ano yan?" Kunot noong tanong nito, nakatingin lang sa iniaabot ko at hindi man lang pinagkaabalahang abutin.

"Plane ticket. Your scheduled flight is today, right?" Walang anumang sagot ko kasabay ng pagkuha ng kamay nya at inilagay doon ang maliit na piraso ng papel.

Naguguluhan man ay napilitan itong tanggapin ang ticket.

"I know but why are giving it to me now? Hindi ba tayo sabay na babalik sa Pilipinas?"

"May aasikasuhin pa ko dito kaya mauuna ka nang umuwi." Muli akong bumaling sa suitcase ko na nakapatong sa kama at ipinagpatuloy ang pagbabalik ng damit ko sa kung papaano na lang na paraan.

"I'll stay with you then. Hihintayin na lang kita para sabay na tayong umuwi." Naupo ito sa kama sa mismong tabi ng suitcase ko.

I sighed impatiently.

"Gabby, I'm trying my best to be patient here so please hwag ka ng makulit. Ayusin mo na yung gamit mo at bumalik ka na sa Manila. Tsaka na tayo mag usap ulit." Mariin kong pahayag matapos muling bumaling dito.

"Bakit ka ba ganyan? May nagawa ba ko? Galit ka ba sa'kin?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong nito.

"You're asking me kung anong ginawa mo? Why don't you ask yourself? Baka sakaling malaman mo ang sagot sa tanong mo?"

"I don't understand --"

"Damn it Gabby! Stop playing games with me, alam ko na ang lahat!" I yelled.

"Glaiza, ano bang sinasabi mo?" Nakikita ko ang kalituhan sa mga mata nya pero hindi ako tanga para magpadala.

"Okay, sige ... gusto mo ng ganyang drama? Sige, pagbibigyan kita. Did Rhian called me up last night?"

Biglang nawalan ng kulay ang mukha nito. Hindi kaagad nakaapuhap ng isasagot.

"Gabby, tinatanong kita. Tumawag ba si Rhian kagabi?"

"Sinong nagsabi sa'yo nyan?"

"Hindi na importante, just answer my damn question?!"

"Y-yes." Mahinang sagot nito.

Marahas akong huminga. Trying my best not to lay a finger on Gabby.

Umupo ako sa kama para bahagyang kalmahin ang sarili.

"Bakit hindi mo hinayaang makausap ko sya? Bakit sinabi mo na ayoko na syang makita?" Marahang tanong ko sa pagitan ng marahas na paghinga.

"I thought you don't wanna talk to her. I just wanted to help --"

"Pwes hindi ka nakatulong dahil lalo mo lang pinagulo ang lahat! At yung sa mall, alam mong si Rhian ang Mommy ni Caedy. You said you saw her. Pero imbes na sabihin mo sa'kin, anong ginawa mo? Itinago mo."

"The kid is not yours --"

"And how do you know that? Have you seen her twin brother? Oh, I'm sure you do dahil kasama din ni Rhian si Caiden nung araw na yun?"

"Glaiza please ... I just wanted what's best for you so I decided to --"

"And who said you can decide for me?! Who gave you the right to do so?!" I glared at her. "Gabby of all people, you're the one who knew what I've been going through. Ikaw ang higit na nakakaalam kung gaano ako nangungulila sa kanya at sa mga anak namin ..."

Winning Back Mrs. De Castro (MGDC: Book 2)Where stories live. Discover now