Chappie Seven

3K 32 3
                                    

Beeep Beeep Beeep Beeeep

Aray. Ang sakit sa tenga. Nag-aalarm na pala yung orasan ko. Binuksan ko ang mata ko. Open. Close. Open. Close. Di ko pa mabuksan. Kinapa ko nalang yung orasan para tumigil.

Beeep Beeep Beeep Beeeep

Anu ba yun? Dinilat ko na ang mata ko.

"Sh*t! Alas ocho na!"


Agad akong bumangon tumakbo papuntang cr. Naligo na ako agad agad at nagbihis.

"Viiiiiiiiceeeeraal!" Ayun. Narinig ko na ang boses ni bully billy. Malamang nandito nanaman yan para mang-asar. Nasa loob na ako ng dressing room ko ngayon. Inaayusan nila buern at archie.

"Anu problema mo Mr. Germs?"

"Anu sabi mo Vice?"

"Wala! Sabi ko ang ganda ko."

"Anu Vice? Maganda ka? Kaaaarrryyyllle!"

"Psssh!"  Tinakpan ko ang mukha niya.  "Umayos ka nga! Nanahimik ako dito eh."

"Hahahahaha! Pag kay Karylle tiklop ka! Wala ka pala eh!"

"Oo na sige na. Bakit ka ba nandito ha?" Ay naku kung di ko lang mahal tong si Billy na to napalayas ko na talaga to kanina pa.

"I just want to say, GOOD MORNING" Sabay kindat siya sakin. At ang sinagot ko dun ay isang IRAP.

"Antaray mo naman! Meron ka ba?"

"Wala! Lumabas ka na dito kung ayaw mong makalbo sinasabi ko say-"


Iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeekk

Bumukas yung pinto.

"Hi Vice!"   Si Karylle. Oo, si Karylle yun sure ako.

"Uy K! Kamusta ka na?"  Paglingon ko sa tabi ko, si Billy nakayuko. Nagpipigil ng tawa. Binatukan ko siya sa tyan.

"Tumigil ka dyan Billy ha! Sinasabi ko sayo." Naku Billy! Pag ako nabuko ng dahil sayo sinasabi ko talaga sayo.

Loveteam (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon