Chappie Twenty Four

1.3K 34 4
                                    

“Gooooooood Morning Vice!”  Bati ni Billy.

“Good Morning din Bestie.” Sabi ko habang inaayos ayos ang damit ko sa harap ng salamin.

“LQ?”  Tanung niya at umupo sa sofa ko.

“Anung LQ pinagsasasabi mo diyan?” Sabi ko bago tuluyang humarap sa kanya.

“Eh ba’t ganyan yang mukha mo?” Tanung niya habang tinuturo yung mukha ko.

“Bakit Billy may nagbago ba sa mukha ni meme?” Sabat naman ni Buddhi.

“Oo eh meron.” Sagot ni Billy. Tumayo naman si Buddhi at hinila ako sa balikat para ako ay humarap sa kanya.

“Ikaw Billy ha niloloko mo ako. Wala naman nagbago sa mukha niya eh. Chaka pa rin naman.”

BOOOOOOOGSH.

“Aray meme!”

“Alam kong chaka ako! Wag mo nang ipagdiinan. Mesheket ne nge eh.” Sabi ko. Pagharap ko naman kay Billy ay tawa ito ng tawa.

“Ikaw naman! Isa ka pa! Akala ko pa naman Bestie kita.”

“Eto naman di mabiro tawag na tayo ni direk.” Pag-aamo niya sa akin at wala namang epek.

“Che! Tigilan mo ako.” Lumabas na ako ng DR sumunod naman si Billy. Binilisan ko ang paglalakad para di maabutan ni Billy. Daredaretso ako hanggang sa marating ko ang lounge. At paglikong pagliko ko ay natigilan ako.

“Hi guyyyys” Sabi ni K habang bumebeso sa mga co-host namin. Eto. Eto ang dahilan kung bakit kanina pa ako wala sa mood. Di ba dapat after ng lakad namin kagabi ay masaya ako. Pero dahil sa pag-atake ng konsensya ko ay para bang gumuho ang lahat ng nabuong hopia kagabi.

“Oh, andyan na pala si Vice eh!” Sabi ni Vhong. Lumingon si Karylle sa akin. At ngumiti.

“Hi Vice!” Bati niya. Lumapit siya sa akin at bumeso rin. Niyakap ko siya sandali.

“Yiiiiiiiieeeee” Pangangantyaw nila.

“Hoy tumigil kayo ha. Wag niyo akong simulan.” Sabi ko sa kanila at umupo sa tabi ni Anne.

“Okay guys I think its time to interrogate them.” Sabi ni Ngangabu while pointing to me and Karylle.

Hoy ngangabu tigilan mo ako ha.” Sabi ko at kinurot ang bewang niya. Si Karylle naman ay tumabi kay Vhong at si Billy ay nanatiling nakatayo. Si Kuya Kim ay busy sa gilid habang may kausap sa phone. Si Ryan ayan kakapasok lang ng lounge at kasunod niya ay si Coleen. Si Teddy naman ay naglalaro sa phone. Si Eruption at Jhong out of sight pa. Si Jugs naman, absent.

“Nanay nagdate daw kayo ni Ate K sabi ni Ate Anne?” Tanung ni Ryan.

“Oo nagdate kame at napag-usapan naming ipaampon ka na!” Sagot ko sa kanya.

“So meaning...” Sabi ni Billy.

“Anung meaning meaning ka dyan. Wala nagdate lang kami. AT MAY MGA BAGAY NA SA AMIN NALANG NI K.” Sabi ko sa kanila na nanlalaki pa ang mata. Tawanan naman sila pati si K nakita kong tumatawa kaya gumaang narin ang pakiramdam ko.

--

“So Vice tell me, what happened kagabi?” Eto nanaman si  Anne. Ang kulet buong araw yan yung tanung sa akin.

“Anu ba, edi kumain kami. Tapos nagkwentuhan. Tapos inihatid ko siya. Paulet ulet lang unli?” Naasar ko ng sagot sa kanya.

“Ay naku Viceral. I know when you’re lying.” Sabi niya sa akin bago tuluyang umalis.

Loveteam (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon