Chappie Six

3K 31 2
                                    

"Oh tapos? Paano ka nahulog?"

Narinig ko si Toni. Takang taka. Imposible naman kasi talaga. 

"Wala ka ng alam sakin! Puro si Paul kasi inaatupag mo! Di mo na ako naaalala"

"Che! Wag ka ng magdrama! Ikwento mo na sakin daaaaliii!!!"

"Eto na! Excited masyado toh eh! Nagsimula ang lahat noong tinawag akong "Vice Pogi" nitong si Karylle..."

Flashback

"Vice! Ang pogi mo today!"

Huh?! Anu ba naman tong si Karylle! Ipangalandakan ba naman sa buong Pilipinas na pogi ako!

"Di ba ang pogi ni Vice ngayon madlang people?!"

"Vice Pogi!"

"Vice Pogi!"

"Vice Pogi!"

"Vice Pogi!"

"Vice Pogi!"

Hala! Ayan na sila! Bakit sila napopogian sakin? Mga echusera to! Lalong lalo na tong si Karylle! Kadiri!

"Yuuuuck! Kadiri! Umayos nga kayo!"

"Ang pogi mo kaya today Vice!"

"Tumigil ka Karylle ha!"

Napuno ng tawanan ang studio.

-End of Flashback- 

"Buong show ganun ang ginawa nila sa akin. Inaasar nila ako ng gwapo. Yuck. Kadiri."

"Oh eh? Tapos? Tinawag ka lang Vice Pogi naniwala ka na agad!" 

"Hahaha! Sira! Oh eto nga kasi!"


Flashback


"Pakinggan natin ang mga komento ng hurado. At eto na ang pinakapogi sa kanilang lahat! Viiiiiiiiicccceeee Poooogiiii!"

Hiyawan naman ang madlang pipol. At eto naman ako nagpapapogi pose.

"Vice trending na ang hashtag Vice Pogi!"

Sabi ni Ngangabu! Hala! hahaha nakakatawa na nakakatuwa. Pumatok sa kanila yung Vice Pogi? Yes nemen! Nakakaloka! 

Loveteam (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon