Chappie Nineteen

2K 28 4
                                    

“Few days lang kami dun beh. Ite’treat ko lang ang team Vice. Alam mo naman di ba? Syempre gusto rin nila ng bakasyon lalo na ng pahinga. Pati ako beh gusto ko muna umalis dito sa manila at magrelax dun sa bora total medyo nakarecover na rin naman si ngangabu dun sa isyu niya kay JL. Tsaka gusto ko muna kalimutan lahat ng pagod at pressure.”

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. As usal naman lagi kaming nandito. Nagpapaalam ako sa kanya na pupunta muna kami sa boracay. Kakatapos lang kasi namin magtaping ng GBBT. Grabe dugo’t pawis na ang inilaan ko sa pelikulang yun.

“Oh sige basta mag-iingat ka ha.”  Sabi niya sa akin habang niyakap ako sa leeg habang nasa likod ko siya.

“Gusto mo ba sumama?” Tanung ko at humarap ako sa kanya.

“Syempre naman gusto ko. Pero hindi ba delikado yun baka may makakita sa atin.”

“Di naman siguro basta ba wag lang tayo palaging magdikit. Wala ka bang laro?” Umiling siya.

“So, this will be our first official out date huh?” Sabi ko. Ngumiti naman siya na tila ba kilig na kilig.

“Nakunakunakunakunaku!” Sabi ko habang natawa.

“Eh kasi naman ikaw eh.” Sabi niya na nagpipigil ng kilig.

“Ang kyut mo pala kiligin!” Sabi ko sabay tawanan na kaming dalawa.

--

“Karylle I can’t make it to showtime for few days. Punta ako bora. Mag-iingat ka diyan ha naku pag ikaw nagliwaliw tadyak ka sakin.”

Message Sent.

Beep.

“Hala bakit naman? I won’t see any pogi on showtime for few days? I can’t.”

Napangiti naman ako dun. Teka lang ha. Humahaba yung hair ko. Ay hindi pala, teka paano ba maflatter ang lalaki?

Loveteam (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon