Beep Beep
Andito na ako sa labas ng condo ni Karylle. Pinabusina ko talaga yung driver ko."Sir anu po? Akyatin ko na lang po?" Tanung sa akin ng driver ko. Oo, 'Sir' na talaga ang ipinapatawag ko sa kanila. Lalaki naman talaga ako eh. Lalakeng bakla.
"Hindi na. Sabi ko kasi sa kanya sa lobby na siya maghintay at pag may narinig siyang busina saka siya lumabas. Sandali itetext ko lang."
Nagtatype na ako sa aking cellphone nang makita ko na siyang palakad palapit sa sasakyan.
"Sir, andyan na po pala siya." Lumabas yung driver ko at agad siyang pinagbuksan ng pinto. Kinuha nito ang mga dala ni Karylle at dinala sa likod ng sasakyan.
"Salamat." Sabi ni Karylle sa driver ko.
"Vice! Akala ko di ka na dadating eh." Bungad sa akin ni Karylle nung makita niya akong nakatitig sa kanya. Tumabi siya sa akin. Nakaupo ako sa may gilid ng sasakyan. Sa side kung saan malapit sa salamin.
"Pwede ba naman yun?" Sagot ko sa kanya. Inalok ko siya ng chocnut.
"Ayoko, alam ko namang favorite mo yan. Tsaka bawal ako sa matamis ngayon baka mapaos. May Cinderella ako remember." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Eto naman! Isa lang naman eh. Kung ayaw mo edi wag! Ang dami pang paliwanag" Sabay tawanan kami.
"Kamusta ka na Vice?" Tanung niya sa akin. Bigla naman akong natigilan.
"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanung ko niyan?" Sa totoo lang, ayoko pag-usapan yung ganitong bagay. Masakit kasi kapag naririnig ko sa kanya ang mga katagang 'Mahal ko si Yael'
Flashback
" I asked him. What are you doing here? I mean Im so shock that time. I didn't expect that he'll come."
Ayun si Karylle. Nagkekwento about sa nakakakilig na momentum nila ni Yael. Ang kyut niya magkwento. Gusto ko siya magkwento ng mgakwento pero please. Wag lang naman sana si Yael ang topic.
"Oooooooh.....that's so sweet."
Eto naman si Anne. Siya ang pinaglalabasan ni Karylle ng kilig. Paglingon ko sa gilid niya, vinivideohan siya ni Teddy. Ay naku, sana lang wag marinig ng mga anak ko ang kwento ni Karylle. Panigurado kasi iuupload to ni Teddy. Haaay wag na sana sila madamay sa sakit."Then he tells me, 'of course I'm here for you!' "
"Ooooooooohh....."
"Then after nun he took me to a restaurant. Super elegant. Then kami lang yung tao. Then he took my hands papunta dun sa center nung stage then we danced! Kaming dalawa lang hahaha!"
BINABASA MO ANG
Loveteam (Vicerylle)
FanficNagsimula sa asaran hanggang sa nagkadevelopan. Pero ang masakit dun, ako lang ang nadevelop. At hinding hindi niya ako mamahalin coz she's deeply inlove with Yael.