"Aaaaaahhhhh..." Binitiwan ko ang hawak kong pang-araro. Bumaba ako ng bumaba hanggang sa lumubog sa putik. Nakahawak ako sa tagiliran ko. Maya maya ay may mga lumapit na sa akin para iahon ako. Hinawakan ako ng kadouble ni Mark at ng iba pa niyang kasama. Pilit na itinatayo.
"CUT!" Narinig kong sigaw ni direk wenn. Agad naman akong tumayo. Nagpasalamat sa mga tumulong upang makalakad at makabalik na ako sa lupa. Ang dilim na. Anung oras na rin. Panigurado si Kurba ko naiinip na. Pang-huling scene ko na man na ito dito. Buti naman. Ako si Peter ngayon. Tumigin ako sa paligid ko. Hinanaphanap si Kurba. Di ko siya makita.
"Vice..." Narinig kong tawag ulit sa akin ni direk wenn.
"Yes direk?"
"Maligo ka na tapos makakauwi ka na." Sabi niya sa akin. Punong puno talaga ako ng putik. Sobrang pagod na pagod na ako.
"Sige direk salamat. Nga pala nakita mo si Karylle?" Lumigon lingon ulit ako para hanapin siya.
"Kanina lang pinanunuod ka niya eh..." Lumingon lingon din si direk. San bang lupalop nagsuot yun.
"Bueern! Buudhiii!" Nakita ko silang dalawa sa malayo. Tinawag ko sila.
"Yes meme! Dadalhin nalang namin sa cr yung gamit mo." Sagot nila sa akin.
"Hindi yun ang tanung ko! Halikayo rito lumapit kayo!" Sinenyasan ko sila na lumapit at lumapit naman sila.
"Vice mauuna na ako may aayusin pa ako." Sabi ni direk.
"Sige ho direk! Ingaat!" Paalam ko sa kanya. Noong nakalapit na sa akin yung dalawang bakla ay agad ko silang tinanung.
"Nasaan si Kurba? Bakit di niyo kasama? Di ba sabi ko wag na wag niyong lulubayan? Pag may nangyari dun sinasabi ko sa inyo malilintikan talaga kayo sa akin" Sabi ko sa kanila. Medyo nag-iba na rin ang tono ng boses ko.
"Meme, relax. Kanina lang nandito siya pinanunuod ka. May kukunin lang daw siya sa tent saglit." Paliwanag sa akin ni Buddhi.
"Ok. Mabuti naman." Sabi ko sa kanila. Medyo nahimasmasan na ako. Kinabahan kasi ako. Mamaya napano nayun noh. Kahit naman taga dito sa Laguna yun di pa rin safe lalo na nasa bukid kami at lalo na madilim pa. "Sige na mauna na kayo dun. Pasensya na rin kanina pagod na kasi ako." Paliwanag ko sa kanila.
"Ok lang meme, alam naman naming ganyan ka mag-alala pag kay Karylle" Sabay bungisngisan silang dalawa.
"Mga sira." Sabi ko sa kanila. Tinaboy ko sila ng pabiro at nakisuyo na padala nalang ang mga gamit ko sa cr. Nangangati na ako sa putik. Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad. Medyo madilim na ang daan papuntang cr. At walang masyadong tao. Nandun kasi sila lahat sa set nagpapack-up na.
Bssssssh...
Lumingon ako sa likod ko. Anu to? Wala akong nakitang kakaiba. Hala wala namang gantuhan. Comedy na pelikula ang ginagawa ko hindi horror. Hala sige Vice takutin mo lang sarili mo. Nagderederetso nalang ako sa paglalakad. Mas binilisan ang paglalakad.
Bssssssh...
Ayoko na. Natatakot talaga ako. Lumingon ulit ako sa likod ko. Wala naman. Anu ba naman to.
"Looord...wala namang gantuhan. Alam mo namang matatakutin ako." Sinabi ko. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Natatanaw ko na ang cr. Paulit ulit kong binabanggit si Lord sa isip ko. Huhuhu natatakot talaga ako.
Lakad.
Lakad,
Lakad
.
BINABASA MO ANG
Loveteam (Vicerylle)
FanfictionNagsimula sa asaran hanggang sa nagkadevelopan. Pero ang masakit dun, ako lang ang nadevelop. At hinding hindi niya ako mamahalin coz she's deeply inlove with Yael.