Chapter 06: The Cast Away

45 2 0
                                    

“Matanong lang kita... :/” --Siya

“Ano yun??? -.-” --Ako

“Sa mga naging kaibigan mo... :/ meron ka na bang kinainisan ng sobra-sobra??? Yung umabot na sa point na gusto mo na siyang iwan...?”

“Hmmmm... Oo naman -.- ... karamihan naman sa kanila kinaiinisan ko din minsan... at siyempre minsan naiisip ko na din na iwan sila... -.- Kaso kahit na anong gawin ko eh hindi ko pa rin magawang iwan sila... Hanggang sa ayun na nga... -.- Ako na lang ang iniwan nilang mag-isa...”

“Ahhh... ganun ba? ... :/ Pero sa tingin mo... sino yung pinakakinainisan mo na sa kanilang lahat???”

“Hmmm... -.- yung pinakakinainisan ko... -_____- Hmmmmm... Siguro masasabi kong itong taong ito ang pinakakinainisan ko--“

|[Flashback]|

            Gumagawa kami ngayon ng assignment sa Physics... -.- nakalimutan ko kasing gawin yun sa bahay eh... Take note: NAKALIMUTAN KO!!! ... -.- baka isipin niyong tinamad akong gumawa ng assignment... hindi noh... talagang nakalimutan ko lang talaga...

            At siyempre dahil major subject namin ang physics... Dapat lang na tapusin ito... Kaya nga lang--

“Tara guys... merienda na tayo dali... >,<” --Mia

“Teka lang -.- tapusin lang namin itong assignment sa physics...” --Grace

“Ang bagal naman oh... >__< Ayyy nah!!! Mamaya pa naman yan isusubmit ehh.... Ehhh kung mamaya niyo na lang yan gawin noh...? Hindi talaga kayo nag-iisip... utak naman guyz... utak naman... >___< ... Dali na nga gutom na ako... You’re just wasting my time...you know...” --Mia

            Aba >.< at may pa ‘You’re just wasting my time’ pa siyang nalalaman huh... >.< Eh kung itapon ko kaya yung natitirang oras niya sa mundo... >___<# Kitang ginagawa namin yung assignment sa Physics ehhh!!! Importante kaya ito... as in I-M-P-O-R-T-A-N-T !!!

            At saka utak siya jan??? >.< Palibhasa eh kakatapos lang niyang mangopya ng assignment sa iba... >,< At least kami pinaghihirapan naming sagutin yung assignment noh!!! Kainis naman oh... >,< K-A-I-N-I-S !!!

“Oo nah >.< saglit na lang ito...” --JB

“Dali nah!!! Baka abutin pa tayo ng lunch break dito... Nagmerienda pa tayo kung ganun lang din...” --Mia

            Haaayyy... -.- Siya lang naman si Mia Tang... ang kinaiinisan ng lahat... Ewan ko nga kung bakit nakasama namin ito eh... Kung hindi ka man lang mainis sa mga pinaggagagawa niya... Haay naku, baka hindi ka na tao... -_____- Alien ka na... A-L-I-E-N !!!

            Ayun nga at pumunta na kami sa canteen para magmerienda DAW... -.- Nagugutom na DAW kasi ang isang yun..... At siyempre hindi ka naman niyan titigilan kaya sumunod ka na lang -.- ... At mas nakakabanas lang kung makikipagtalo ka pa sa kanya noh! Hindi ka niyan titigilan hangga’t may masasabi pa siya... Tapos kapag wala na siyang maisagot... sasabihin lang naman niya yung mga katagang... ‘Sorry naman daw!!! Nahiya naman ako sa’yo!!!’ ... ha’ay -.- kaya mas mabuti kung manahimik ka na lang... sayang lang ang laway mo noh...

“Owww... I want this... Grace libre mo naman ako ng yema... ^.^ Hindi na kasi ako sanay na kumain ng walang dessert... Dali na... libre mo na ako... 15pesos lang naman oh...” --Mia

            -.- Yung tinutukoy niya eh yung malaking yema na tig-15 pesos... Ewan ko nga kung bakit ganun kamahal yun... -___- Feeling ko nga malaki lang talaga yung tubo ng canteen na yun sa yema na yun...

FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon