Epilogue:

77 2 1
                                    

At para sa ating epilogue... ^.^ Balikan natin ang ating prologue...

1 word, 10 letters, thousands of meaning... Spell it out... F-R-I-E-N-D-S-H-I-P...

How do you define FRIENDSHIP???

>> Para sa akin ^.^ ... yun yung bagay na hinding-hindi mo talaga kayang i-define... yun yung bagay na hindi mo alam kung kailan nga ba talaga nagsimula at kung kailan nga ba magtatapos... ^.^ Yun yung bagay na masarap panatilihin... At yun din yung bagay na masakit iwanan... Friendship is everything... ^.^ Hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung walang FRIENDSHIP...

Hanggang saan nga ba ang kayang mong tiisin para lang sa pagkakaibigan na pinanghahawakan mo?

>>Siyempre ^.^ Lahat kaya kong tiisin para lang sa pagkakaibigan na yan... Maski iwanan pa nila ako ng paulit-ulit... maski itapon nila ako nang parang basura... maski ipasagasa man nila ako sa humaharurot na truck... maski ipakain nila ako sa pating... maski paulit-ulit akong masaktan... ^.^ hinding-hindi ko pa rin isusuko ang pagkakaibigan na pinanghahawakan ko...

Kaya mo bang ipagpalit ang lahat para lang ipaglaban ang pagkakaibigan na yan?

>>Siyempre naman... Ipapapalit ko lahat ng dollars sa wallet ko para lang sa pagkakaibigan na yan... ^.^ Ok lang yun... wala naman talaga akong dollars sa wallet eh... Hehehe!!! Pero seriously speaking... Siyempre hindi naman lahat kaya kong isuko... Siyempre may ibang bagay din akong pinapahalagahan... si GOD... FAMILY ko... etc. Pero kahit na unahin ko man ang mga yun... ^.^ Ipaglalaban ko pa rin ang pagkakaibigan na yun kahit na sabihin pa nilang huli na ako...

Kaya mo bang manatiling isang mabuting kaibigan kahit na kapalit nito ay ang sarili mong kasiyahan?

>>Oo naman ^.^ ... Gagawin ko ang lahat para sa mga kaibigan ko noh!!! At saka bakit ko naman uunahin yung sarili ko... ^.^ Siyempre uunahin ko sila... kaya nga kahit na away-awayin pa nila ako sa mga pangingi-alam ko sa mga buhay nila... Ok lang, dahil alam ko naman sa sarili ko na ginagawa ko yun hindi para sa sarili ko... ^.^ Kundi para sa mga kaibigan ko...

Hanggang saan mo masasabi na ang pagkakaibigan na pinanghahawakan mo ay TOTOO?

>>Hanggang sa dulo... ^.^ Alam ko namang totoo ang pagkakaibigan namin eh... At kahit sabihin nilang hindi yun totoo... ^.^ Asa naman sila noh! Kahit anong sabihin nila alam kong totoo yun noh!!! No more doubt!!!

Is this friendship really TRUE or NOT?

>>TRUE siyempre!!! ^.^ Lahat naman ng kaibigan ko totoo sa akin... Kaya malamang... This frienship is also TRUE and PURE...

Napakadaling sumaya kapag kasama mo ang mga kaibigan mo... pero papaano kung dumating ang mga pagsubok na susukat sa tibay ng pagkakaibigan na yan? Kakayanin mo bang harapin ang mga pagsubok na yun? O magpapatangay ka na lang sa agos nito?

>>Kayang-kaya ^.^ ... Pagsubok lang yan noh!!! Bakit naman ako magpapatalo sa mga yan!!! At saka kung hindi man ako lumalaban sa mga bagay-bagay... hindi ibig sabihin nun eh nagpapatangay na ako sa agos nun noh!!! ^.^ Minsan kasi kailangan mo na lang manahimik kaysa ang lumaban pa... Dahil minsan yun ang tamang paraan para ipaglaban ang pagkakaibigan ninyo...

Gaano mo kakilala ang mga kaibigan mo? Sapat na ba ang iyong nalalaman para mapatunayan mong kaibigan mo talaga sila? O may mga bagay ka pang gustong malaman tungkol sa tunay na katauhan nila?

>>Siyempre, ^.^ hindi mo naman maiaalis na may mga bagay pa akong gustong malaman tungkol sa kanila... Pero kahit na ganun... ^.^ Alam ko namang sapat na ang nalalaman ko para masabi kong kaibigan ko nga talaga sila...

FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon