MARIE POV
Nagising ako sa liwanag na galing sa veranda ng kwarto ko. Sheez, I feel so dizzy now. Iyan kasi marie kakaisip kay nikko pero ang tanong iniisip ka ba nya? Hayst! Naligo na lang ako at nagbihis pupunta muna akong palengke para ma enlighten naman ang mood ko noh. Habang papunta sa palengke naisipan kong dumaan muna sa jollibee gusto ko lang i surprise si aling chelsea
"Manong daan muna tayong jollibee. May bibilhin lang muna ako" sambit ko kay manong
"Masusunod young lady" magalang na sagot ni manong.
-----
NIKKO POVHabang kumakain sa jollibee nakita kung pumasok si franz. Alam ko na siya si franz kasi nakanerd look na naman siya. Nakita ko siyang bumili ng meal at bakit ang dami? Ganyan na ba siya kagutom? Sa pagkakaalam ko isa sila sa pinakamayaman dito sa buong mundo. Hmm? Sa sobrang curious ko sinundan ko siya. Habang nagmamaneho ng sasakyan napansin kong papunta sila palengke?
----
MARIE POV
Hayst! Salamat nakarating din. Pumunta agad ako sa tindahan ni aling chelsea
"Magandang umaga aling chelsea! " masayang sabi ko sa kanya. Nakita kung nagulat siya pero napalitan din agad ng tuwa.
"Oh. Maganda ang gising marie ah? At anu yang dala mo? Baon mo? Ang dami naman" takang tanong niya.
"Ito aling marie. Binili ko po yan para sa inyu" sagot ko sa kanya
"Hmm? Di pa naman sweldo mo ngayon ah? San ka kumuha ng pera? " alam ko nagtataka siya.
"Aling chelsea wag na po kayong magtanong. Kain na po kayo tapos ako na mag bebenta ng paninda mo" sabi ko na lang sa kanya
"O sige" nakita kung kumuha ng kutsara si aling chelsea at ako mag iingay na naman.
"GULAY GULAY MGA SUKI! PRESKO PA PO ITO" Dito ko nabubuhos lahat ng oras ko kahit na maliit lang yung sweldo ko pero okey na yun sa akin. Atleast dito masaya. Habang nagbabantay ng tinda ni aling chelsea ay nakatanggap ako ng text galing sa classmate ko na may gagawin daw sa school urgent.
"Aling chelsea, pwede po bang umalis na? May meeting po kasi kami eh. Urgent po" magalang na sabi ko sa kanya
"Sige tutal nakapagbigay ka naman ng oras dito" hay salamat naintindihan ni aling chelsea. Dali dali akong pumunta sa highway at nag abang ng taxi. Habang nag aabang ng taxi may humintong sasakyan sa harap ko. At ng makita ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko
"Franz, halikana alam kung nagmamadali ka" hindi ako makagalaw. Kilala niya ko? Bumalik na ang alaala niya? Franz? Yan ang tawag niya dati sa akin eh. Natulala lang ako
"Anu ? Sasakay ka ba o maghihintay ka lang ng milagro dyan" pasalamat siya kailangan kung magmadali. Pero habang nasa byahe ako diko maiwasang tingnan siya? Kilala niya ako?
"Oo kilala kita. " biglang sabi niya. Huh? Narinig niya ang sinasabi ng utak ko? Teka?
"Alam ko kasi ang mukha mo yan ang sinasabi at kilala kita kasi...Basta" nakatingin lang siya sa daan at nakangiti lang. Anu na naman ba toh? Kung kailan unti unti na akong nakakamove on.
You know what’s the one wrong thing we all do when we fall in love? WE EXPECT and it just ruins everything.
Nag expect ako na nalilimutan ko na siya pero mali pala ako.
--------
To be continue...

BINABASA MO ANG
DARE TO MOVE ON
Teen FictionMove on? It's only a Two Words but everyone can't handle it well. It makes your life a process on how to deal the word they called "Move on". It took months nor Years to let go somebody who hold your heart in the past. When will be the day that you...