CHAPTER 14

2 0 0
                                    

Third Person Pov

Nakikita ko silang masayang nagkukulitan dito sa amusement park. Hindi ka magiging masaya marie. Tandaan mo yan.

---

Marie Pov

Andito kami ngayon sa amusement park ni zach. Dito niya ako dinala matapos kung umiyak sa kanyang harapan. Nakikita ko siyang bumibili ng cotton candy ng makabili na siya tumakbo siya bigla papunta sa akin.

"Ito oh" nilahad niya sa akin ang isamg cotton candy. Kinuha ko naman alangan titignan ko lang

"Salamat" sambit ko sa kanya pagkakuha ko pa lang na cotton candy

"It's my pleasure Franz" nakita kung ngumiti siya at may nararamdaman akong kakaiba sa may bandang...Hindi pwede kay nikko ako may gusto. Mahal ko si nikko at si nikko lang ang nagpapatibok nito.

"O, tulala ka?" Nakatulala pala ako

"Ah wala" nakita ko siyang may tinitignan kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin. Pero sana di ko na lang ginawa nakita ko kasi si nikko na may kasamang babae at talagang nag eenjoy siya dito. Di ko namamalayan na may pumapatak na pala na mga luha sa aking mga mata dahilan na para lumapit si zach sa akin.

"Franz wag mo silang pansinin. Isipin mong wala kang nakita" tinignan ko siya ma nagtataka. Paano ko malilimutan yung nakita ko eh yun yung taong mahal ko eh.

"Mahal ko siya zach" tanging sambit ko sa kanya

"Husssh! Now Franz. Ako ang nasasaktan tuwing sinasaktan ka niya" Bakit ba palaging ganito si zach. Alam ko na bagong kakilala pa lang namin pero kung maka asta parang kilala na niya ang buong pagkatao ko.

"Anu bah zach! Ilang araw pa lang tayong nagkita pero kung makasabi ka ng ganyan parang kilala mo na ang buong pagkatao ko" makahulugang sambit ko sa kanya. Nakita kung nag iba ang kanyang expression

"Oo nga naman Franz. Di mo ako natatandaan kasi nga di mo naman ako napapansin dati eh. Isang hamak na nerd lang ako na nagmamahal sa babaeng alam ko na di ako kayang mahalin!" Tila nayanig yung mundo ko. Di ako makapaniwala sa namalan ko

"Sorry..." tanging banggit ko sa kanya. Nakita ko siyang tumalikod sa akin.

"Wag mong sabihing sorry Franz. Kasi mahal kita, mahal na mahal" napaawang ang bibig ko sa mga sinabi ni zach. Alam kung nasasaktan siya. Pasensya na zach pero mahal ko pa si nikko.

---

Nikko Pov

"Niks!" Narinig kung tawag sa measha

"Uhmm? What?" Tanong ko sa kanya kanina pa kasi to buntot ng buntot sa akin eh.

"I just want to be friends on you" kaswal na saad niya. Anung na papak ng babaeng toh eh. Ngayon lang naman kami nagkakilala.

"Pwede ba meash! Tumigil ka! Stop acting like a child. Huwag ka ngang buntot ng buntot sa akin" Iritadong saad ko.

"Titigil lang ako kapag nakipag date ka sa akin"

"Anu!! Nahihibang ka na ba?"

"Yes" may saltik siguro to.

"No" matigas na sabi ko sa kanya.

"Sige di kita titigilan" Nakita ko siyang pumunta sa isang room kaya ang ginawa ko ay naglakad na papunta sa canteen pero laking gulat ko na may humawak sa kamay ko

"Di ako titigil niks" masayamg sabi nito sa akin.

"Anu ba meash! Tumigil ka na pwede?" Kung pwede lang manuntok ng babae kanina ko pa ginawa sa kanya. Okay lang sana kung si Franz ito.

"Nope. Unless na maki pagdate ka sa akin" Para tumigil ang babaeng ito papayag na lang ako.

"Sige, pero dapat tumigil ka na" Sabi ko sa kanya. Tango lamg ang ginawa nito sa akin.

----

Third Person Pov

Hindi ako titigil. Gusto ko lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya ay mapasakin kahit na kaibigan ko pa siya. Hahaha, di ka sasaya Franz

---

Ella Pov

Andito kami ng buong barkada sa canteen pero wala si measha at Franz.

"Asan kaya si measha?" Saad ni ivy. Mas close kasi sila ni measha kaya kung wala siya dito siya palagi naghahanap

"Baka papunta na yun" si Zam naman ang sumagot sa kanya. Pero speaking of her. Nakita ko siyang papasok na ng canteen pero may kasama siya. Teka si nikko yun ah. Ba't sila magkasama

"Teka...si measha yun ah" si Reza din ang unang nagsabi sa kanila kaya napatingin sila kung saan tinururo ni reza si measha

"Oo nga no" si zam. Tsk! Dapat matagal ko nang sinabi sa kanila na ganyan si measha eh. Pero dapat sila makatuklas sa totoong ugali ni measha. Yes, kahit si ivy ang medyo close kay measha pero alam ko lahat ng ginagawa niya pag naghihiwalay na kami ng landas pauwi sa mga bahay namin. Nakita kung tumayo si ivy at papunta sa deriksyon nila nikko at measha.

"Zam sundan mo si ivy baka magka world war 4 na" saad ko. Sa lahat kasi si ivy ang pinaka may alam sa lahat sa amin. Kaya pag magalit yan parang nanay namin. Pero yan ang pinaka gusto ko sa kanya.

"Tara zam sundan natin" saad ni reza

"Tss" saad ko na lang naiwan na naman ako dito na nag iisa.

---

Anneyeong! Waah, pasensya dahil mahina ang pag update ngayon exam kasi huhuhu. Please comment po kayo kung may mga wrong grammar po hehehe. Di po ako magagalit. Magtatampo lang ahaha joke lang. Do vote po and comment para ganahan si author mag update. Hehehe. Mwuah! Thank you ng marami. Godbless!

-rovelyn

DARE TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon