CHAPTER 10

5 1 0
                                    

MARIE POV

Habang nag lalakad sa hallway nakikita ko mula dito ang mga tingin ng mga estudyante. Kailan ba sila titigil sa katititig sa akin, dahil lang ba nerd ako ngayon? Pathetic talaga.

Lakad

Lakad

Lakad

Nang malapit na ako sa may gym namin. May narinig akong tinatawag yung pangalan ko.

"Marie!!"

Baka ibang marie yung tinatawag nang lalaki. Ang dami ko talagang pareha ng pangalan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humila ng braso ko.

"Anu bah!" Ng tinignan ko kung sinong ponsopilato ang humila sa akin ay...

"Marie kanina pakita tinatawag, Galit kaba? " naghihingalong sabi niya sa akin. Nagulat ako kasi akala ko di na niya ako papansinin pagkatapos ng nangyari kahapon.

"Huh? Ako nga dapat ang mag sorry sayo kasi hindi ko alam na nagkaroon ka pala ng ganoong karansan at nakipagdebate pa ako sayo " malumanay na sabi ko. Alam ko nasobrahan lang ako kahapon. Gusto ko na kasing sabihin sa kanya ang lahat. Na ako yung babaeng minahal niya sa nakaraan  na ako yung babaeng pinangakuan nya na di ako sasaktan at aalagaan niya. Pero nauwi lang kami sa debatehan.

"Pasensya na" sambit ko at yumuko

"Wala yun, Di ko naman alam na ganuon pala ang opinyon mo. "  Tinignan ko siya ulit

"Kinalimutan ko na yung nakaraan ko kasabay ng pagkawala ng mga memorya ko. Alam ko na naman na may nangyaring di maganda sa nakaraan pero wala na akong pakialam pa ang mahalaga yung ngayon" salaysay niya. Nang marinig ko yung mga salitang yun para akong binagsakan ng langit at lupa. Ang sakit palang marining mula sa taong mahal mo na wala na siyang pakialam sa iyo. Alam ko naman na hind niya alam na ako yun. Yung nag bigay ng sakit at kung bakit siya na aksidente. Maiiyak na ako parang gustong tumulo ng luha ko. Alam ko any moment babagsal na sila kaya nagpaalam na ako sa kanya na pupunta muna ako sa cr.

"Cr muna ako hah"

"Sama ako"

"Anu? Mauna kana sa room" tinalikuran ko na siya at pumunta sa cr. Nilock ko yung door at doon binuhos ang lahat ng sakit

"Ginawa ko naman ang lahat na kalimutan ka. Anu ba?!! Pero bakit di parin ako tinatantanan ng nakaraan. Sana ako na lang yung naaksidente at nagka amnesia upang di ko na maransan ang ganito!" Umiiyak lang ako. Ito ako eh, alam kung masaya ako kung titignan niyo at nalilito minsan kung anu ako. Ngayon alam niyo na ang isang kahinaan at ang tunay na ako. Pinunasan ko yung mga luha ko at tumingin sa salamin.

"Hindi ka naman gamito dati ah! Anu bang ginawa mo sa akin niks! Nag dare na akong mag move on pero wala eh. Ba't ba kasi andito ka! "

-----

To be continue...

DARE TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon