CHAPTER 18

5 0 0
                                    

-
-
-
MARIE POV

"I love you baby"

"Franz gising" nakatulog pala ako.

"Asan na ba tayo?" Tanong ko sa katabi ko. Teka? Tinignan ko kung sinu yung katabi ko. Patay!

"A-ah, Sorry nikko kasi nakatulog ako" hingi ko ng patawad sa kanya.

"Hmmmm. Okay lang, sanay na ako. Dati ka naman na tulog mantika eh. At andito na pala tayo"

Nandito na pala kami di ko lang man namalayan. Sayang di ko nakita ang daan. Ang ganda siguro ng view, hayst! Pag balik na lang namin. Bumaba na kami pagkatapos kung maayos ang sarili ko.

"Franz!" Narinig ko si zach na tinatawag ang pangalan ko. Anu na naman kaya ang Kailangan nito sa akin.

"Oh? Ano na naman?" Mataray kung sagot sa kanya.

"Franz naman eh. Nagtataray ka na naman"

"Bakit ba? Anu kailangan mo?"

"Wala akong kailangan sayo pero dapat magkasama tayo sa whole duration ng camping natin baka makuha ka na naman sa akin ng gagong yun"

"Huh? Ano? Di ko naintindihan yung huling sinabi mo"

"Wala, Basta sinabi ko sayo na tayo yung dapat partner eh" uhm? Nakadrugs siguro to.

"At bakit? Teacher ka ba?"

"Hindi"

"Oh?--" naputol yung sinabi ko ng biglang nagsalita si nikko. Epal din tung isang to eh.

"Pare kailangan na daw natin pumunta sa area. Kasama yung designated partners natin"

"Tsk! Sige Franz kitakits tayo mamaya" sabi ni zach at tumakbo papunta sa area. Naglakad na ako daladala tung mga gamit ko.

"Di ka ba nabibigatan?" Tanong bigla nitong kasama ko. Obvious ba? Tsk!

"Okay lang ako" sagot ko sa kanya. Alangan namang ipadala ko ito sa kanya eh. Mahiya naman daw ako, Ex ko yan Ex!

----

ZACH POV

Di ako mapakali dito. Gusto ko nang makita si Franz at ito namang kasama ko. Salita ng salita ang daldal din nito eh. At saka, hindi naman ako interasado sa buhay niya eh.

"Pwede ba tumahimik ka muna" bahala siya kung nasaktan siya sa sinabi ko.

"Inlove ka talaga no?" Tsk!

"Just shut up okay? Oh? Enenglish ko na hah?"

"Ouch ang sakit" tssss, di ko talaga feel tung isang toh eh. Iba pakiramdam ko, di mapagkakatiwalaan. Matapos ang gathering nagtayo na kami ng tent. Habang nag aayos, napansin ko na may tinitignan itong kasama ko kaya sinundan ko kung sino yun. Si nikko at Franz, nakatitig lang si nikko kay Franz na nakabusangot. Kumukulo yung dugo sa kay nikko talaga. Kaya dali-dali akong naglakad papunta sa kanila at hinila si Franz, diko kaya eh. Nagpupumiglas si Franz pero di ako nagpatinag.

---

MARIE POV

"anu ba zach! Nasasaktan ako" bigla na lang ako hinila nitong isang to. Di pa rin siya natitinag. Andito kami ngayon sa parang gubat na may garden. Di ko alam kung san to.

"Zach! Baka pagalitan tayo" humarap siya sa akin. Nakita ko yung mukha niya na parang naiirita.

"Franz..."

"Oh?" Pabitin naman to oh.

"Stay away from nikko"

"Stay away? Nahihibang ka ba? Partner kami" naguguluhang sagot ko sa kanya

"Ayun na nga Franz, di kita mababantayan sa kanya kasi partner mo siya!"

"Bakit ba zach kung makaasta ka parang boyfriend kita" pagkasabi ko non ay tumalikod na ako.

"Bakit Franz? Mahal mo pa ba siya? Di pa ba naalis si nikko dyan sa puso mo?"
Di ko sinagot yung sinabi ni zach. He hit the bulls eye. Di ko alam zach, humakbang na ako pero nagsalita siya ulit na nagpatigil sa mundo ko.

"FRANZ MAHAL KITA! bulag ka ba para di mo makita? Ako na lang please" hinarap ko siya na may luha sa mga mata ko

"Zach di ko alam. Naguguluhan ako" napahaguhol na ako ng makita kung papalapit siya sa akin na umiiyak din.

"Tutulungan kita Franz. Handa akong sumugal kahit na di ko alam ang magiging resulta" niyakap niya habang ako ay umiiyak sa kanyang dibdib.

"Zach..."

"Ssshhh--tahan na andito lang ako. Di kita iiwan"

---

NIKKO POV

Nakita ko yung eksenang nangyari. Sinundan ko sila. Narinig ko lahat, di ako tanga na mahal pa ako ni Franz pero mas lalong gugulo ang buhay namin eh. May rason ako pero di ko pa kayang sabihin sa kanya. Tumayo na ako pero pagharap ko nakita ko siya na nakatinigin sa akin.

"So? Kamusta ang sine? Masaya ba?"

"Tss"

"Nikko naman. Di ka na niya mahal!"

"Shut up measha! Mahal niya ako pero ako itong unang sumuko kasi----"

"Kasi anu?" Di ko na siya pinansin naglakad na ako patungo sa tent namin.

"Kaya ko pa ba? Mahal kita Franz pero sorry"

---

Omg! Wattodo! Haha, baliw si author pasensya. Hehe leave you comments and do vote po tinkyo!

Rovelyn-

DARE TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon