CHAPTER 17

5 0 0
                                        

******

MARIE POV

Andito na ako ngayon sa bus na sasakyan namin. Hinihintay namin yung iba. Alas 4 pa lang ng madalang araw pero marami ng mga estudyante ang nandito. Excited siguro, sana kahit ngayon lang di ko makita si nikko kasi di ko alam ang gagawin kung pati dito sa bus kasama ko siya. Habang tumitingin sa mga estudyanteng nag tatawanan sa labas. Biglang pumunta dito ang adviser namin.

"Okay, listen class. Our arrangement ngayon ay kung sinu yung pareha mo sa trip ay katabi mo dito sa bus" tila gumuho yung mundo ko ng marinig ang announcement ni ma'am. Parang binagsakan ako ng langit dahil sa mga narinig ko. Parang kanina lang nananalangin ako na sana hindi ko siya makita pero. Tsk! Kimalas-malas ko naman eh. Umalis na si ma'am matapos ang announcement niya.

"Psst! Marie!" Nakita ko si ivy sa baba ng bus. Hay salamat andito sila. Tinawag ko siya kaya dali-dali naman siyang pumunta sa kinauupuan ko.

"Marriiieee! Sino ka partner mo?" Tanong niya sa akin. Tsk! Kung alam mo lang.

"Si nikko" matabang na sagot ko sa kanila.

"Oh? Bat ganyan mukha mo?" Takang tanong niya sa akin.

"Wala, ay teka may mga foods ako ditong dala. Gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sus! Pagkain? Of course! Hahaha" tumawa na lang din ako.

"Kaya ang taba muna eh" natatawang saad ko sa kanya

"Kung ako pumayat, lahat siguro ng boys nakatingin sa akin. Sa ganda ko ba naman"

"Hays! Ivy, pumunta ka na nga sa upuan mo" sabi ko na lang sa kanya

"Sige marie. Thank you pala sa foods"

"Walang anu man. Sige na" pumunta na siya sa upuan niya. Ilang sandali pumikit muna ako hindi pa naman lalarga itong sasakyan kasi di pa naman kami kumpleto eh. Malapit na akong makapunta sa dreamland ng maramdaman kung may umupo sa tabi ko.

"Mukhang nakatulog ka ah?

"Ah eh, Ou nga" sagot ko. Ang awkward kasi tsk!

"Matulog ka muna dyan" sabi niya sa akin na nakangiti. Wow, nakangiti pa ang gago sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

------

ZACH POV

Andito na ako sa bus. Tsk! Hindi ko pa nakikita si Franz. Anung bus ba sila? Kailangan ko siyang mahanap. Tinitignan ko ang palagid ng mga bus nagbabakasakali na baka nasa labas pa siya ng biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Sinong hinahanap mo?" Tinignan ko ang nagsalita. Tss yung kaibigan pala daw ni Franz, ngumiti ito sa akin.

"Wala" walang buhay na sagot ko.

"Si Marie ba?" Teka ba't alam niya na si Franz yung hinahanap ko.

"Hmmm? Nandoon sila sa isang bus kasama si Nikko" sabi niya sa akin. Nangiinsulto ba to? Kasi kung oo. Makakasapak na ako ng babae sa tanang buhay ko.

"Psh"

"Measha pala, Diba ikaw si Zach?"

"Oo at teka? Ba't alam mo pangalan ko? Stalker kita?" Tumawa ito ng marinig yung sinabi ko.

"Hahaha. Nakakatawa ka pala? Tsk! Sabagay gwapo ka naman pero di kita type. Iba type ko at mahal ko, kasama niya si marie" diko  narinig yung huling sabi niya tsss.

-----

Yohooo! Vote tayo and leave your comment babies! Ciao!

DARE TO MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon