Prologue
Habang naglalakad ang isang batang lalake ay may nakita syang isang batang babae na namumulot ng shells sa gilid ng beach resort nila. Aliw na aliw ang babae sa kanyang ginagawa kaya nilapitan ito ng batang lalake.
"Bata gusto mo tulungan kita?" tanong ng batang lalake.
"Talaga!" nagliwanag naman ang mukha nito, "chige pero wag mo akong tawaging bata, kache pareho naman tayong bata."
Masaya silang namulot ng shells buong magdamag, pagkatapos ay naghabulan sila sa dalampasigan. Nang makaramdam ng pagod ay umupo ang dalawa sa isang malaking bato habang minamasdan ang papalubog na araw.
"Bata ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ng lalake.
"Chabi ng wag mo akong tawaging bata dahil pareho naman tayong bata!" Nakapout nitong sabi. Ang cute.
"Eh anong itatawag ko sayo?"
She shrugged her sholders, "may pild trip kami dito. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
"My parents own this place." Bigla namang naging malungkot ang mukha ng batang babae.
"Mabuti kapa may magulang, eh ako sa ampunan lumaki."
Hinawakan g batang lalake ang magkabilang pisngi nito para magkatitigan sila.
"Wag kanang malungko. Alam kona, simula ngayon lagi na akong nasa tabi mo at aalagaan kita habang buhay." pangako nya sa kaharap.
"Talaga!" nagliwanag naman ang maamong mukha ng babae.
"Oo naman, sumama ka sa bahay ipapaampon kita kina mommy at daddy para lagi na tayong magkasama."
"Chege chege!" hinawakan ng lalake ang kamay nito at sabay silang naglakad pauwi.
Sa gate palang ng rest house nila ay rinig na ng dalawang bata ang putuk ng baril, bigla silang kinabahan at matinding takot ang nakita ng lalake sa mga magagandang mata ng batang babaeng kasama nya. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ng lalake.
"Dito kalang," sabi nya sa babae habang hinihila sya papunta sa likod ng mga halaman.
"Ayoko, sasama ako." Mangiyak ngiyak na sagot nito.
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ng babae.
"No, hindi pwede. Magtago kalang dito babalikan kita."
"Natatakot ako."
"Diba sabi ko sayo aalagaan kita habang buhay," tumango ang kaharap. "Kaya wag kanang matakot babalikan kita okey."
Tumango tango ito at nagtago na, dalidali namang pumasok sa loob ng bahay ang batang lalake habang hindi parin tumitigil ang putukan. Kitang kita nya ang mga armadong kalalakihan na binabarin ang mga bodygourd nila.
Sa backdoor dumaan ang lalake at dahil maliit sya at mabilis kumilos ay hindi sya napansin ng mga nagbabarilan. Nang makapasok sya ay nagtago sya sa isang malaking antic jar na mas matangkad pa kesa sa kanya. Kitang kita ng batang lalake ang kanyan ina at ama na nakaluhod at nakakadena ang mga kamay nito sa likod, may nakakabit ding kadena sa leeg ni ama.
"Nasaan ang black note?!" tanong ng lalaking mukhang gong dahil sa mga tattoo nito sa katawan.
"Kahit anong gawin nyo hindi ko yun ibibigay!" galit na sigaw ng kayang ama habang tahimik lang na umiiyak sa mom sa tabi nya.
"Ah ganon!!"
BANG!!
Bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan ng kanyang ina. Nanlaki ang mata ng batang lalake sa nakita gusto nyang sumigaw at sugurin ang mga lalaking pumatay sa kanyang ina pero hindi nya nagawa dahil sa takot, natakot sya, natakot sya na baka barilin din sya ng mga ito kapag nagpakita sya. Tinakpan nya ang kanyang bibig at pinigilang umiyak.
"HAYOP KA! PAPATAYIN KITA!!" nanlilisik ang mga matang sigaw ni ama, pinipilit nyang makawala pero hinila ng isang lalaki ang kadenang nakakabit sa leeg nito.
Bigla namang tumunong ang cellphone nung lalaking bumaril sa kanyang ina. Pagkatapos nitong makipag-usap sa kung sino mang tumawag sa kanya ay walang alinlangan nitong binaril sa ulo ang kanyang ama.
Hindi na nakayanan ng batang lalake ang lahat at tumakbo sya palapit sa kanila, gusto kong gumanti sa pagpatay ng lalake sa kanyang mga magulang. Hindi pa nakakailang hakbang ang batang lalake ng may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig, nagpumiglas sya pero ang lakas ng kong sino mang nakahawak sa kanya, mabilis syang binitbit nito papunta sa kusina.
"Sssh... Hindi ako kaaway, kaibigan ako ng daddy mo." Bulong nito.
Binaba sya nito at pinasok sa isang kabinet sa kusina, hindi makita ng batang lalake ang mukha nito dahil may suot nitong mask na ang tanging makikita lang ay ang mga mata nito.
"Dito kalang at kahit na anong mangyari ay wag na wag kang gagawa ng ingay, dapat kang mabuhay kaya dito ka lang babalikan kita." Sai nito sa kanya.
Napatangonaman ang batang lalake sa sinabi nito, hindi nya alam ang gagawin sundin nalang nya ang utos ng lalake. Sinara na nito ang pinto ngkabinet, dinig nya ang pag-alis nito habang nakikipag putukan. Nagsimulangtumulo ang mga luha ng batang lalake, his dad told him that big boys don't crybut he's not a big boy. Ang sakit dahil wala syang magawa. Ilang minuto pa angtinagal ng putukan, at bila nalang natahimik ang paligid. Pinahid nya ang kanyang mga luha at lalabas na sana sya para hanapin ang batang babae, hindi nya hahayaang pati ito ay mawala pa sa kanya. Akmang lalabas na sya nang bilanalang bumukas ang pinto ng kabinet.
BINABASA MO ANG
Schleiden Mafia: Burning Fire
ActionMy only reason to live is to take a revenge no matter what..... at makukuha ko lang yon when I kill his own daughter with my own bare hands..... but what if love comes in between? nah wala akong pakialam all I want is revenge.... My name is Fi...