Hinila ng latlong lalaki si Carina papasok sa building ng South Wing, halos ibaon naman ni Carina ang mga paa nya para lang hindi makapasok pero dahil sa lakas ng mga lalaki ay walang kahirap hirap parin nilang nadala si Carina. Wala pang tao sa loob ng South Wing building at taning si Zacharias lang ang nakita ni Carina na nakaupo sa isang sofa kong saan ito nakaupo kahapon. Mukhang doon ang favorite place nito.
Unti unting namuo ang pawis ni Carina ng palapit na sila ng Palapit kay Zacharias. Ng tuluyang makalapit ay tinulak sya ng lalaking nasa likod nya paupo sa sofang kaharap ng kinauupuan ni Zacharias na ngayon ay may hawak na tasa ng kape, his badboy aura is spreading inside the hall. Magsasalita na sana si Zacharias ng bigla itong maputol dahil sa sigaw ni Lewis na ngayon lang nakarating dahil panay ang chikahan nito at ni Anie sa likod.
“Zacharias ko!” malakas na sigaw ni Lewis at agad itong nag-dive sa sofa at yumakap kay Zacharias.
Dahil sa biglaang pag-dive at yakap ay halos mabitawan ni Zacharias ang hawak na tasa ng kape na kong hindi pa mabilis ang reflexes nya ay malamang naliligo na sila ni Lewis ng mainit na kape ngayon. Napatulala din ang lahat sa ginawa ni Lewis hindi ito ang unang pagkakataon pero na mamangha pa rin sila, si Lewis lang ang kilala nilang kayang mang-inis ng ganito kay Zacharias kaya aliw na aliw sila habang tinitignan ang dalawa.
“What the fuck Azriah!” Sigaw ni Zachaias, binaba nya ang hawak na tasa at sinubukang baklasin ang mga braso ni Lewis pero mas lalo lang itong humigpit.
“Zacharias ko na miss kita!” nakangiti paring sabi ni Lewis hindi pinapansin ang mga tao sa paligid. Ang mga mata nya ay nakay Zacharias lamang.
“Pwede ba nagkita tayo kahapon!” sinusubukan pa ring baklasin ni Zacharias ang mga braso ni Lewis.
“Ano kaba naman Zacharias ko lagi kitang nami-miss kahit isang sigundo ka lang mawala sa panging ko nami-miss na kita.” Pa-cute na sabi ni Lewis nag-pout din sya para mas-effective.
Tuluyan ng nainis si Zacharias ng makita ang itsura ni Lewis, malakas nya itong tinulak dahilan upang muntik ng mahulog si Lewis sa sofa. Tinignan nya ang mga nasa harapan at halos sumabog sa galit si Zacharias ng makitang wala na si Carina sa kinauupuan nito.
“Nasan na ang babae!” malakas na sigaw ni Zacharias.
Tinignan din ng mga nandoon ang sofa kong saan nakaupo kanina si Carina at ng makitang wala na ito ay agad silang umayos ng tayo. Napalingon ang lahat ng marinig nila ang malakas na pagsara ng double doors, habang nakatuon ang atensyon nila kay Zacharias at Lewis ay sinamantala na pala ni Carina ang pagkakataon dahan-dahan syang yumuko at tumakbo papuntang pintuan at tuluyan na syang nakalabas bago pa man napansin ng lahat.
“AZRIAH!” malakas na sigaw ni Zacharais. Umalingawngaw ang malakas na sigaw nya sa buong South Wing building.
Napaatras ang mga naroon, agad namang tumayo si Lewis at lumipat sa pinakamalayong sofa. Magpapalamig muna si Lewis at mukhang na-inlove na naman sa kanya si Zacharias. Hehehe.Mabilis na tumakbo si Carina papalayo sa South Wing building, halos magpasalamat sya kay Lewis dahil as ginawa nito ay nakatakas sya. Masyado pang maaga para masabit sa gulo si Carina at lalong ayaw nya munang harapin si Zacharias dahil sa kahihiyang naranasan kahapon and most of all ay wala pang tulog si Carina, hindi nga sya makapag-isip kahapon ngayon pa kaya.
Hindi tumigil si Carina sa pagtakbo hanggang sa makarating sya sa room kong saan ang klase nya ngayon mabuti nalang at hindi pa naman sya late. Hinihingal na huminto si Carina sa harap ng pinto, hinintay nya munang kumalma ang sarili bago tuluyang pumasok sa loob. Marami ng tao sa loob at sinuring mabuti ni Carina kong may taga-South Wing ba but the problem is she can’t identify the South Wing members. Kahapon pa nya nakilala ang mga ito kaya imposibleng matandaan nya lahat.
BINABASA MO ANG
Schleiden Mafia: Burning Fire
ActionMy only reason to live is to take a revenge no matter what..... at makukuha ko lang yon when I kill his own daughter with my own bare hands..... but what if love comes in between? nah wala akong pakialam all I want is revenge.... My name is Fi...